Si Tatay

2K 36 2
                                    


8-25-15



"APA!" Naramdaman niya ang mahinang sampal ng maliit na kamay sa mukha niya. "Apa! Apa!" Bumungisngis ito habang pinipindot pindot ang ilong niya.


"Apa! Wake up!" Nakapameywang na sabi nito, natatawa nalang siya. "Kathryn na Kathryn talaga."

Inakap niya ito. At sinimulang kilitiin.



"Apa! Stop!" Humahagikgik pang sabi nito habang pilit iniiwasan ang kamay niya. "Eek!" Tili nito habang patuloy siya sa pagkiliti.

"Good Morning Princess." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito.

"Where's our Queen?"

"Kitchen apa!"

"Ikaw talaga," Naiiling na aniya. "Ginawa mo na naman akong ice cream cone. Nak, it's not apa okay? It's papa. Say it with me...."

"Pa-pa." Dahan dahan niyang bigkas habang iniintay na gayahin ng anak ang kanyang pagbigkas.

"Pa-pa. Papa. Papa!" Sunod naman nito.

"Ang tali-talino talaga ng babygirl 'kooooo!"

"Pa!" Isa pang maliit na boses-panlalaki naman- ang narinig niya. Tumingin siya sa gawi ng pinto, at nakita niya ang panganay sa kambal. Ang carbon copy niya noong bata palang siya.

"Good Morning kuya," Bati niya dito. "Ang reyna natin?"

"Kitchen, pa!" Seryosong wika nito. Buhat buhat ang bunso, lumapit siya sa panganay.

At saka ito binuhat.

"Ah! Pa! Malaki na 'ko!" Pagreklamo nito habang tinatahak niya ang daan papunta sa kusina.

Agad naman niyang ibinaba ang dalawa upang lambingin ang asawa.


"Good Morning My Queen," Niyakap niya ito mula sa likod.



"Magandang umaga sa Hari 'ko. Ginising ka na naman ba ni bunso?"



"Opo mommy. Ang sakit sakit manampal ng baby girl natin, parang ikaw, brutal." Pagsumbong niya. At sinapok siya ng mahina ni Kathryn habang natawa.




"Tapos ginagamitan pa ako ng charms niya para pabangunin ako. Manang mana sayo, mahal. Kala 'ko ikaw nanggigising sa'kin e. Kaso iba ka na nga pala manggising ngayon." Pinamulhan ng mukha si Kathryn sa sinabi ng kabiyak.


"Bat ka nagbablush? Yie, naalala mo kung paano--- Aray naman ma!"


"Magtigil ka Danilo, baka gusto mong sa labas ka ng kwarto matulog mamayang gabi!"



"Hindi na po, mommy love. Hindi 'ko na sasabihin na kiss ang panggi--" Akmang hahampasin siya ng namumulang asawa, nang halikan niya ito para mapatigil.



"'To naman, kinakahiya mo ba iyon? Normal naman iyon mahal." Nanunudyo pa ring sambit niya.




"Mag-asawa na tayo, may kambal na tayo, nahihiya ka pa rin sa kiss? Mahi--" Napatigil lamang siya ng biglang halikan ng asawa.





Ayun, tahimik. "O, Edi tumahimik ka." Ngumiti ito ng pagkatamis tamis at pumunta sa kinaroroonan ng anak.







"Mommy-" Pinandilatan niya ang panganay sa narinig. "--I meant mama, sorry papa." Tumango nalang siya at nagthumbs up. Inirapan naman siya ni Kathryn bago lumuhod para magkasing lebel na sila ng anak.





"Good morning ma," Lambing nito sa nanay at humalik sa pisngi nito. "Aw, ang sweet naman ng baby kuya 'ko, Good Morning."







"Ma, yang panganay natin, ayaw nang magpabuhat sakin. Malaki na daw siya. Tapos ikaw, natatawag mo pang baby kuya." Humihirit na sabi niya habang nagkukunwaring nagtatampo.






Tinawanan lang siya ng mag-ina. "Hmp. Nasan ba ang baby princess 'ko? Buti yon, mahal si papa."




"I love you pa!" Tumatawang sabi ng lalaking anak.






"Mana kayo kay nanay. Galing niyo magsuyo a. Isang I Love You lang okay na." At inakap niya ang mag-Ina.




Nang makita niya ang bunsong nakasimangot habang pinapanood sila, ang dalawang kamay at nakalapat sa magkabilang beywang. Napangiti siya. Alam naman niyang sa kanya nito namana ang pagiging selosa.




"Ang prinsesa natin, teka." Pigil niya at iginaya si Kathryn Liit palapit sa kanila.






"Mahal na mahal kayo ni tatay."







------------------------------

I love mornings. (*˘︶˘*).。.:*♡

Featuring Sam at Sab (palang) ヽ(●´∀`●)ノ AYIE. HAHAHAHAHAHAHA. SALAMAT SA 32.3 (?) K RIDS. ALABYU MGA BEH

Napaupdate ako gawa ng PSY kagabi. HEHEHEHEHEHEHEHE SULIT

NAISIP KO NA YUN NGA, PAHINGA MUNA TAYO SA IYAKAN, UKI? HAHAHAHAHAHA NEXT TIME NA ULI. XD

#Feedbackpls HAHAHAHAHAHAHA

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now