Hanggang Kailan Kita Mamahalin

1.8K 35 20
                                    

7-16-15

"May tumututol ba sa kasalang ito?"

Nanghihinang tumayo si Daniel. Nakita niyang umani ng atensyon ang ginawa niyang pagtayo.

Sa loob ng simbahang iyon, siya lamang ang nakaitim.

Ang kulay na sumasalamin sa buhay niya sa araw na iyon at sa kahaharapin niya pang mga araw. Ang kulay na habang buhay nang mananatili sa kanyang puso na walang awang nasaktan at naghuhumiyaw

Sa loob ng simbahang iyon, napuno ng simpatya ang mga puso ng nanonood sa bawat nginig ng katawan niya at pagpatak ng kanyang mga luha.

Sa loob ng simbahang iyon, nakita nila ang kahinaan ni Daniel.

Sa loob ng simbahang iyon, may gusto siyang gawin. Isang bagay na maaaring makasalba sa tuluyang pagdilim ng buhay niya.

Yun ay, kung magbubukas pa ang puso ni Kathryn sa kanya...

Naghintay ang mga bisita sa susunod niyang gagawin. Naghanap siya ng lakas ng loob. Nanghihinang itataas na sana ang kamay ng masilayan niyang muli ang mukha ng babaeng pinakamamahal niya.

Tila nagmamakaawa ito sa emosyong ipinapakita ito. Sa ilalim ng manipis na belo ay bakas parin ang kagandahang hinahangaan niya ng ilang taon.

Siya dapat iyong nasa altar. Siya dapat iyong kasama nitong haharap sa Diyos at tatanggap ng biyaya ng kasal. Siya dapat iyon. Siya dapat ang sasagutin nito ng napakatamis na I do. Siya dapat ang may hawak ng kamay nito habang nakikinig sa seremonya. Siya dapat iyong hahalik dito matapos sabihin ng pari ang mga katagang "You may now kiss the bride"

Pero hindi siya iyon. Hindi na siya iyon.

Imbis na ituloy pa ang plano, huminga nalang siya ng malalim at tumungo. "Tanggap 'ko na." Bulong niya sa sarili.

Malakas ang loob na tinitigan niyang muli ang mga Mata ni Kathryn. At ngumiti ng mapakla. "Best wishes nalang."

Sa loob ng simbahang iyon, nasaksihan ng marami ang pagtanggap ni Daniel sa napakasaklap na katotohanang bumulag sa kanya sa napakaraming taon. Sa loob ng simbahang iyon, nakita nila ang mapait na ngiti ni Daniel habang tuluyan na ngang pinakawalan ang dati pa niyang pinanghahawakan.

Naglakad na siyang papunta sa pintuan ng simbahan. Sa pagtapak niya palabas dito, magsasarang muli ang pinto at wala na siyang mababalikan pa. Kundi ang madilim niyang mundo.

Lumingon siyang sandali at nakangiting bumati. "Masaya ako para sa'yo. Hindi man halata, pero pipilitin 'kong maging masaya nalang para sa'yo. Mahal kita eh. Mahal na mahal kita, Kath. Pero wala nang kwenta yon ano? Parang ako lang. Haha."

At tuluyan ng lumabas ng simbahan.

Matapos marinig ang pagsara ng pinto, napaluhod nalang siya sa sakit.

"....Hanggang kailan kita mamahalin..... Hanggang kailan ako masasaktan ng paulit ulit....."

Dahil sabay ng pagsara ng pintuan nang naturang simbahan, ay ang tuluyang pag-sara ng puso ni Kathryn para sa kanya.

--------------------------

"DJ, tama na." Pagsumamo ni Patrick habang hinihila ang nagngungumawang lasing. Nagpupumilit pa itong pumasok na muli sa bar.

"Pat! Ikaw ah! Iingatan mo yan si Arisse! Mahal na mahal mo yan diba?! Wag na wag mo nang papakawalan! Matuto ka na sa mga nagawa 'ko! WOOOOOOH PUTANGINA ANG SAKET!" Pinagtitinginan sila habang patuloy sa pagsigaw si Daniel.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now