Graduation

1.2K 31 0
                                    

"Wooooo!" Iyon ang unang sigaw ng mga estudyante matapos ang seremonya.



Maraming lumapit sa kanya para bumati at yumakap, ngunit iisa lang ang hinahanap ng Mata niya.


"Sis! Mamimiss kitaaaaaaaa!" Umakap sa kanya ang apat na taong kaklase. Tanging ngiti na lang ang naisukli niya.



Nasan na ba? Nasan na ba siya?




Marami na rin sigurong nakapansin sa paglinga linga niya sa paligid kaya wala ng gumambala pa muli sa kanya.



Kaliwa't kanan ang kumpol ng madlang nagsisiiyakan.


Sibol lamang iyon ng damdamin. Matapos ang araw na ito ay mabigat sa loob ang mangyayaring tuluyang paglisan sa paaralang nakagisnan. Ngunit mawawala rin ang bigat na iyon.


Nasan ka na ba?




Narinig mo kaya ang talumpati ko?


Nakita mo ba ang ayos ko?


Maganda na ako.


Ilang taon siyang pinatay ng insekyuridad sa sarili. Ilang taon niyang hinayaang mabuhay ang sama ng loob sa isip niya.


Ilang taon niyang pinagdusahan ang mapanuring Mata ng iba.

Ilang taon niyang tiniis ang nakabibinging mga salita nila.



Sino ba sila? Sino ba sila para husgahan siya?


Tapos ngayon?


Kung kailan siya'y maayos na sa paningin at di na kumakalinga sa opinyon ng iba, saka sila nakikibaka at walang hiyang yumayapos sa kanya?


Saka nila siya babatiin ng nakangiti at nagbabait baitan? Naghugas kamay at nagmimistulang walang sala?



Kaya iyon siya, nakatayo sa gitna ng kaguluhang iyon. Nakikipagplastikan sa mga taong minaliit siya.



Ngunit kung ang Diyos ay nagpapatawad, siya pa kaya?


Nakuha na nila ang kapatawaran niya. Pero Hindi niya maibaon sa limot ang mga pangyayaring sumira sa kanya.




Nagpapasalamat rin siya dahil doon. Sinira nga siya, ngunit pinatapang ang dating Kathryn na takot makabasag ng plato. Ang Kathryn na dati rati'y nakasubsob sa isang tabi, di dahil sa antok, dahil sa sobrang pag-aaral.


Lahat ng pait ay may kapalit.

Kasiyahan.




Iyon ang binanggit niya sa talumpati.



"Matapos ang apat na taong lumipas, ngayon ko lang napagtanto. Kay bilis pala talaga ng oras kung tumakbo. At ngayon, heto na po ako sa inyong harap, bumabati ng isang magandang umaga." Pinaikot niya ang tingin bago nagpatuloy.




"Sa masipag na punongguro, mga gurong gumabay, mga magulang na naririto, at mga estudyanteng nagpakasasa para makatuntong sa ganito, binabati ko po kayo. Sa panginoong maykapal na patuloy nagbibigay biyaya at oportyunidad para sa ating lahat, nagpapasalamat po ako ng buong puso."


"Pinlano ko pong magsulat ng isang talumpati na aking gagawing basehan sa pagsasalita sa harapan. Nakakahiya naman po kung mauutal utal ako hindi ba? Ngunit humaharap po ako sa inyo, walang kapit na kung anong papel, walang kahit ano. Narito po ako, buong sarili, ibubuhos ang mga bagay bagay nang hindi scripted ni sinaulo. Lahat po ng lalabas sa aking bibig sa ngayon ay galing sa puso."



Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now