Scars

1.9K 41 9
                                    

5-22-14


Kathryn's POV

"Aray! Dahan dahan lang naman Bes!" Pagmamaktol ko habang ginagamot ni Miles yung sugat ko. Hahaha. Shungaers ako e.

Nakaupo lang kami sa bleachers, nakakatamad pumuntang clinic e.

"Kung nag-ingat ka kasi, Hindi mangyayari to! Tigilan mo ako Kathryn Chandria!"

Kung nag-ingat ako....... hindi mangyayari to. Kung nag-ingat ako.................... Hindi ako masasaktan ng ganito.

Clumsy na nga ako sa totoong buhay, pati ba naman sa pag-pili ng taong mamahalin ko, clumsy pa rin ako?

Hindi ko naman ginustong mahalin siya e. Kahit ang isang tulad niya. Ang taas taas ng standards ko, pero bakit sa isang gago pa ko nagkaganito?

Pucha. Hindi ko rin alam e. Ang alam ko lang, Clumsy at Tanga ako.

"Aray Miles anoba!!!!!" Diniin ba naman yung bulak sa sugat ko. Tong babaeng to!

"Nag-iisip ka na naman eh! Teh, Wag ganun!"

"Miles naman kasi e." Naiiyak na ko. Naiiyak ako kasi ang sakit na nga ng sugat ko, Mas masakit yung nakikita ko.

Siya, Si Daniel. May kasamang babae............ at masaya siya. Masayang masaya siya.

Medyo lumingon si Miles sa direksyon nila, at sinimangutan niya ako. "Ang sakit teh............." Napayuko nalang ako ng biglang nagbagsakan ang mga luha ko. Pakshet. Parang pinipiga yung puso ko, halos Hindi na ako makahinga.

And for the nth time, I was scarred. Badly. Again. For the same reason.

Mas masakit ang mga sugat na hindi natin nakikita........

Naramdaman kong gumalaw si Miles at nasa tabi ko na siya. Niyakap niya ako.

"Teh............."

"Ayoko na dito Miles, alis na tayo............."

Tinulungan niya akong tumayo, pero nanghihina ako. Napaupo nalang ulit ako, medyo malakas yung impact ng pagkakaupo ko kaya napaiyak nalang ako. Masakit na ang buong katawan ko.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now