My 11:11 Wish

1.8K 44 0
                                    

11-2-13

Kathryn's POV

"Heh! Tumahimik ka Ryn!" Narinig kong sigaw ng nag-iisa 'kong bestfriend bago pumasok ng banyo.

"Ikaw ang tumahimik John!" Pang-aasar 'ko. Umupo ako sa may balcony at tinitigan ang mga bituing nagniningning.

Gabi na, pero okay lang dahil dito naman ako matutulog. Tinignan ko ang orasan. 10:30. Hayy. Hihintayin ko pang mag 11:11.

Oo, ang corny nang mga ganun. Pero ano namang magagawa 'ko? Isa akong hopeless romantic at palihim na umiibig.

Wala namang mawawala kung ita-try ko diba? Nung una di ako naniniwala sa ganyan, pero nang minahal ko ang bestfriend ko, hopeless romantic na ang naging peg ko.

Oo, palihim 'kong minamahal ang bestfriend 'ko. Di ko alam kung bakit at kelan, basta nagising ako isang umaga, di na kumpleto ang araw 'ko pag di ko siya nakita.

Ito pa lamang ang unang beses 'kong magmahal, wala nga 'kong kaalam alam dito. Nerd kasi ako dati, chang look lang. Imbis na makakapal na eye glasses na mataas ang grado ay contact lens nalang ang ginamit 'ko. Di naman masamang magbago kahit paminsan minsan diba.

Alam ko namang 'di ako mamahalin ng bestfriend 'ko, ita-try ko lang. There's no harm in trying, right?

Pinipigilan ko ang sarili kong mahulog lalo sa kanya, pero wala eh.  Lahat na ginawa ko, lumayo, wag pansinin, wag kausapin at kung anu-ano pa, Lalo ko lang siya namiss.

Tinignan ko ang oras at nagulat. 11:10 na. Isang minuto nalang. Tinitigan ko ang oras hanggang naging 11:11 na ito.

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata at bumulong. "Sana, mahalin din ako ng bestfriend ko. Yun lang naman ang hinihiling ko ehh. Siya lang. Kahit isang araw o minuto o kahit isang segundo lang. Gusto ko lang namang may mag-mahal sakin ehh. Gusto ko lang na mahalin ako ng taong mahal ko." May tumulong luha sa mga mata ko.

Yumuko ako. Niyakap ko nang mahigpit ang mga binti ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. "Kahit isang segundo lang......... Please. Kung di man pwede, Alisin niyo nalang ang nararamdaman 'ko para sa kanya." Kinagat ko ang labi ko. "Kasi........... pagod na rin ako eh. Ang sakit sakit na. Ayoko nang umasa. Ayoko nang umiyak. Nakakasawa na rin eh. Kahit yun nalang. Kahit yun nalang."

Patuloy akong nagmuni muni. Bumubulong nang 'Please'. Nang mag-11:12 na ay dahan dahan kong pinunasan ang luha ko at tinanggal ang yakap ko sa aking mga binti. Nag-buntong hininga ako. Ngunit sa kasamaang kapalaran nakita ko siya. Si DJ. 

Nagulat ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kanina pa siya? Narinig kaya niya? Walang emotion ang mukha niya. Napayuko nalang ulit ako, at nagsimula na namang magbagsakan ang mga luha ko.

"DJ........." Nakayuko parin ako. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya.. Ano ba 'tong ginawa ko? Ang tanga mo Kathryn. Ang Tanga tanga mo.

Hinawakan niya ang baba ko at dahan dahang inangat ang ulo ko. Pero di parin ako natingin sa kanya. Ayokong makita. Ayokong makita ang mukha niyang wala man lang reaksyon.

Pinunasan niya ang mga luha 'ko. At nagulat ako nang bigla niya 'kong hinila sa isang mahigpit na yakap. Napaupo ako sa lap niya.

Bumitaw agad ako sa yakap at muling yumuko. "Di mo kailangang magpanggap Daniel. Ayoko nang mahirapan ka pa. Baka mapaniwala mo lang ako at mas lalo akong masaktan." Tumayo ako at nagsimulang maglakad ng sumigaw siya.

"Mahal na mahal kita, Kathryn." Napatigil ako pero di pa rin ako tumitingin sa kanya. Naramdaman kong niyakap niya ako patalikod.

"Mahal kita noon pa, Kath. Sobra. Kahit nung tomboy ka pa." Binulong niya sa'kin. "Pero sabi mo-------" Pinigilan niya 'ko.

"Sinabi ko iyon dahil sabi mo di mo ko magugustuhan. Di mo ba alam kung gaano kasakit para sa'kin ang marinig sayo iyon at sabihin pabalik sa iyo?" Hinila pa niya ako lalo palapit sa kanya.

"P-pero-----------" "Ibinabalik ko sa iyo yon dahil akala 'ko, di mo ko gusto. Kung alam ko lang na nasasaktan ka pala pag sinasabi ko iyon, edi sana 'I love you' nalang ang sinabi ko." Napaiyak ulit ako.

Hinarap niya ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. "Shh........... Don't cry please......... nasasaktan din ako." Pinapakalma niya ako. Kumalas siya sa yakap at tinitigan lang ang mukha ko.

"I love you, Kathryn. Walang halong biro. Promise." Binulong niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Before I knew it, I closed my eyes as he pulled me into a deep passionate kiss. I snaked my hands to his neck as he wrapped his on my waist.

"I love you too." I murmured while still kissing. I could feel him smiling against the kiss...

Who would've knew? My 11:11 wish actually did come true. Well not literally. But it did right? Because of that 11:11 thing, Nakapag-confess ako sa taong mahal ko. And look at us now. Happy, Inlove, and going stronger. And it's all because of MY 11:11 Wish.

Fragments - KathNiel One ShotsМесто, где живут истории. Откройте их для себя