Si Nanay

1.9K 37 0
                                    


8-30-15

Hindi maganda ang pakiramdam ni Kathryn pagkagising ng umagang iyon.

Kinapa niya ang espasyo sa tabi.


Wala na ang kaniyang Asawa.


Bago pa siya makalabas ng pinto para hanapin ang asawa't anak ay naramdaman niya na may gustong lumabas sa bunganga niya.



Patakbong tinungo ang banyo sa kwarto nilang mag-asawa.

---------------------

Iyak lamang ang maririnig mula sa banyo.


Ayon nga, naisuka na niya ang lahat ng nasa tiyan niya, ngunit nasusuka pa rin siya. "Daddy..." Ungot niya at padabog na bumalik sa kwarto.

Napansin ang papel na nakadikit sa unan ni Daniel.

'Good Morning, Mommy Love. Kinailangan 'ko ng umalis, Hindi kita magising kasi alam 'kong pagod ka kahapon. Sa kulit ba ng anak natin...... Sama mo pa 'ko! LOVE YOU MA. KAIN KANG BREAKFAST HA? BABALIK DIN AKO.

-Gwapo mong mister'

Nakasimangot niyang ibinalik ang papel. Kinuha ang cellphone, at tinawagan si Daniel.

"Hello? Ba?" Malambing na sambit nito pagkasagot. "Hmm, Rinig mo ba 'ko? Good Morning!"


"Daddy....." At umiiyak na nga siyang ulit.

"Love? Naiyak ka ba?" Natatarantang tanong nito. "Kath? Mahal? Sagutin mo 'ko please."


"Daddyyyyyy...... uwi ka na."



"Ha? Uwi na 'ko?"



"Uwi ka na, Pottie. Please." Narinig niya ang mahinang pagmura ni Daniel kasunod ng sigaw, nagpapaalam sa mga kasama.

"Uwi na 'ko! Hinahanap na ako ng misis 'ko!" Narinig niya ang pagprotesta ng kasama ni Daniel.


"Hindi pwede Lay! Kailangan nga ako ng asawa 'ko! Sa susunod nalang ulit! Uuwi uli si Kuya dito, isasama 'ko pa si Ate Kath mo okay? Bye Love you!" Paalam nito, kasunod ang sigaw ng Mama nito na, "Bye anak! Ingat! Alagaan mo ang Asawa mo at ang mga apo ko ha!" Bago niya narinig ang pagsalampak ng pinto ng kotse.

"Ba? Bally? Saglit lang ha? Iba--"

"Wag mong ibaba, dad."

At nakinig lamang siya habang ang asawa ay pilit kinakalma ang sarili, dahil natataranta na sa asal niya.


"Malapit na ako, reyna 'ko. Saglit lang ha? Dadating na ang Hari mong mahal na mahal ka."

At nakampante siya.

---------------------

"Love?" Narinig niya ang pagbukas ng pinto. "Daddy..." Pinunasan niya ang pisngi.

"Nawala lang ako saglit namiss mo na agad ako?" Nakayakap na sakanya si Daniel. Inilagay niya ang ulo sa may dibdib nito.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now