P R O T E C T O R

1.7K 39 6
                                    

A day early. I'm sorry, something just came up. Please greet our Queen a Happy Birthday for me. :)

3-26-16

First

----------------

"Love," Tawag sa kanya ni Kathryn. Nang lingunin niya ito ay naglalakad ito palapit sa Kama nila kung saan siya nakaupo. May mga dala itong parang mga brochure. "Eto na yung mga recommended na schools daw."

Ililipat na nga nila ng eskwelahan ang unang anak -- na hindi man lang nagkaroon ng kahit anong reaksyon -- at sa ngayon ay naghahanap sila ng magandang paaralan.

Magdadalawang araw mula noong mapa-Guidance si Sky, hindi muna nila ito pinapasok hanggang sa mapag-alamang umamin na ang batang nakaaway ni Sky. Inamin na nitong nagsasabi nang totoo si Sky bagamat noong Una ay puro tanggi ang bata.

Nasuspend ang bata, pero siya mismo ang pumunta kasama ang mag-ina para kausapin ang pamilya ng bata.

---------------------------

"Sino po---" Nanlalaki ang mata ng babaeng nakapagbukas ng pinto. "Omg." Rinig niyang bulong nito.

"Hi, andyan po ba si Mrs. Hernandez?" Tumango lang ang babae at nanlalaki pa rin ang mata habang palipat lipat ang tingin sa kanya, sa asawa, at kay Sky.

"Opo, tuloy po kayo." Natatarantang gumilid ito para makapasok sila. Kilala na niya ang mga ganong akto at reaksyon, kaya natatawa nalang siya.

"Sige ho, maupo ho kayo tatawagin ko lang po si Ate."

"Magandang umaga po," Pagbati niya sa ina ng naka-away ni Sky. Ngumiti ito sa kanila.

"Dianne!" Muntikan na siyang humagalpak sa tawa ng makita ang babae kanina na nakasilip at nakanganga na. Kinurot na nga siya ni Kathryn dahil don. "Hay nako." Naiiling na nilapitan ng ginang ang babae. "Huy! Ito a! Ikuha mo nga ng juice ang bisita, saka yung cake."

"Bakit po kayo napadayo?" Tanong nito sa kanila. "Mrs. Herna-"

"Kaye nalang po haha,"

"Uhm, Kaye, nandito lang po kami para ayusin yung nangyari.... Pasensya na po kung dumating pa sa puntong magkasakitan ang mga bata, eh mahilig po kasi magtago tong panganay namin e, kami na po ang humihingi ng tawad." Mapagkumbabang sabi niya.

"Wala namang mangyayari kung hinayaan nalang natin..... dapat po diba, bilang isang magulang, yung mga mali ng anak natin, maganda kung Simula pa lang ay naitatama na natin. Salamat nalang po at honest naman si Jake, saka matapang po niyang tinanggap ang kapalit ng ginawa niya. I can see that you certainly raised him well. He's a good kid, sana lamang ay Gawin na niyang leksyon ang nangyari at Hindi na niya magawa pa muli. I know you can guide him well, Kaye." Nakangiting sabi ng asawa niya. Hinigpitan niya ang kapit sa kamay nito.

"Thank you po, Napakabuti niyo pong mga magulang...... humihingi na rin po ako ng pasensya sa nagawa ni Jake, sisisguraduhin ko pong matututo siya sa ginawa niya." Naiiyak na sabi rin ni Kaye. "I'm so happy to see you both po as parents. Parang dati rati ay imahinasyon lang naming mga fans na mangyari ito." Medyo nagulat sila pareho sa lumabas sa bibig nito.

"KathNiel ka?" Nakangiting tanong niya. "Since Growing Up."

"Wow! Solid!" Banggit niya, habang ipinupulupot ang kamay sa bewang ng asawa. "Nakakakilig pa rin ba kami?" Biro niya na tinanguan naman ng babae at ikinapula ng asawa niya.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now