Bliss

1.9K 41 10
                                    

4-26-16

Last for today. And for the month, too. Happy happy birthday DJ. I WISH YOU ALL THE BEST, BECAUSE YOU DESERVE IT.You'll never read this nor will you ever know me, but I want you to know that you've heightened my standards. HAHAHAHAHA LOVE YOU J, HUHU KAHIT SI KUTING MAHALIN MO SAYANG SAYA NA AKO DON PRAMIS.

Pordalab, peeps. Sorry di na ko nakahabol sa pagiimagine nung sa pak na pak na surprise ng reyna. I don't think any of my ideas would be befitting.

Ulitin ko, follow niyo ko sa twitter if you likeyyy @Reinosaur

See you in 3 years!

-------------------

"Kathryn naman! Sana inisip mo na nagaalala ako! Asawa mo ako! May karapatan akong malaman kung nasaan ka, sinong kasama mo, kailan ka makakauwi!" Nagpupuyos sa galit si Daniel. Paulit ulit itong nagmumura habang naglalakad pabalik balik sa harapan ng asawang mangiyakngiyak.

"I'm sorry." Paumanhin nito. Rumaragasa na ang luha na nagmumula sa namumulang mga mata.

Napatigil si Daniel. Sumasakit ang dibdib niya sa nangyayari.

Ano bang aasahan? Matuwa siya dahil hindi nagpasabi man lang si Kathryn na umalis kasama ang mga kaibigan? Sapat na sana iyon. Kahit isinulat man lang nito ang impormasyon sa isang papel at iniwan sa kama nila o kaya'y hinabilin sa kasambahay.

Kung sinu-sino na ang tinawagan niya. Ultimo mga dating boss nila sa industriya ay napagtanungan niya. Lahat ng naiisip niyang maaaring kasama ng asawa ay tinanong niya.

Nakadagdag apoy pa ng malaman niyang kamuntikan nang mapahamak ito sa daan. Halos masira ang ulo niya. Halos magwala siya dahil sa takot na bumabagabag sa kaibuturan ng puso niya. Hindi na nga siya ang nakapagmaneho sa pangambang sila ang matuluyan.

"Tatay? Where are we going?" Kung ordinaryong araw lang iyon ay nakulit niya pa ang anak at sasabihan pa niyang "Wag kang mag-ingles, nasa pilipinas tayo." Kaso'y hindi iyon isang araw lang.

Nanginginig siya. Alam niyang ramdam ni Sky ang panginginig niya. Naninikip na ang dibdib niya sa nabalitaan.

Kamuntikan na raw mabangga ang sinasakyan ng asawa niya ng isang ten-wheeler truck. Nakakapanlambot ng tuhod ang naririnig niya. Nakaiwas ang nagmamaneho, ngunit sa isang puno sila nabangga. Nayupi nga lang ang harapan ng sasakyan.

Nagpasalamat nalang siya sa tumawag. Bitbit niya ang supling at inakay na ang driver.

"Ang sakit. Ang sakit sakit." Iyak niya. "Nasasaktan ako, Kath."

"Pakiramdam ko kasi naiisip mong ang higpit higpit ko sayo kaya Hindi mo ako sinabihan. Pakiramdam ko, masyado na kitang nasasakal..... nasasakal ka ba?" Nangangatog siyang muli. Pakiramdam niya'y mauubos na naman ang kanyang suplay ng hangin sa baga.

"Sabihin mo...... Hindi na ako maghihigpit..... hahayaan kitang sumama sa mga kaibigan mo...... sabihin mo lang sa akin...... papayag ako...... hindi ako mangungulit na dapat, kasama ako...... ayos na sakin..... wag lang ganito, Kath. Wag lang ganito."

Inaangkin na niya ang sala. Hindi na oras iyon para depensahan pa niya ang sarili.

Aminado siyang lalo siyang naghigpit ng maikasal sila at magsama sa ilalim ng iisang bubong. Hindi na niya itatanggi pa iyon. Sarili lang niya ang niloloko niya.

"Wag ka lang mawawala... wag mo lang akong iiwan.... sige, Malaya ka nang gawin ang ano mang gusto mo."

Desperado. Siguro nga'y desperado na siya.

Fragments - KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon