I Don't Wanna Cry

2.3K 54 52
                                    

"I know we swore it was forever but it hurts too much to stay around..."

This song speaks a thousand words, plus it's Queen Mariah slaying like usual. Could've used the official mv, but this performance just gives a lot more emotion. I hope you listen to this one while reading. :*

4-17-16

-----------------------


Once again we sit in silence....

"Maghiwalay na tayo."

Yun yung mga salitang lumabas sa bibig ko matapos ang alitan naming dalawa.

After all is said and done.....

Hindi ko alam. Pero sawang sawa na kasi ako sa ugali niya.

Lagi nalang ako ang mali. Lagi nalang sakin ang sala.

Sa tatlong taon naming magkarelasyon, naging masaya naman ako sa kanya. Naging masaya ako.

Pero nitong huling mga buwan? Nanlalamig na ako.

Only emptiness inside us...

Maliban sa palagi niyang pagtatampo, naiinis na ako sa pagiging clingy niya.

Kada aalis nalang kami ay nakasukbit ang kamay niya sa akin. Kada lalabas kami ay gusto niyang hawakan ang kamay ko o di kaya'y nakaakbay ako sa kanya.

Siguro kung nung bago pa lang kami ay matutuwa ako. Noong una kasi ay nahihiya pa siya at mailap pa. Strikto ang pamilya kaya ayaw niya ng PDA.

Isang araw, nagising nalang ako na pagod.

Baby look what we've become...

Hindi pisikal na pagod. Pagod na pagod na ako sa kanya.

Nagtiis lang ako. Mahal ko kasi siya.

Pero Hindi ko na talaga kaya.

We can make a million promises but we, still won't change....

Nananahimik lang siya habang malalim ang tingin sakin. Gusto kong matunaw para matapos na ito. Ayoko nang makita siya.

Gusto ko na siyang kalimutan.

Gusto ko nang umayos ulit.

Pakiramdam ko kasi ay tinanggal niya ang buhay ko sa akin.

Nawala ang tunay na ako ng nakilala ko siya.

Inupos ko ang sarili ko, para sa kanya.

It isn't right to stay together when we only bring each other pain...

Hindi na ako nagulat ng bigla siyang umiyak.

Hindi yung iyak na malakas. Para siyang pipi. Walang anumang klaseng tunog na nagmula sa bibig niya habang naiyak siya.

Mahal ko siya.

Hindi ko itatago iyon.

Gusto kong umiyak pero Hindi pwede.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now