Sana Maulit Muli

1.8K 41 40
                                    

5-14-15

----------------

Muling nagbalik sa realidad si Kathryn ng maramdaman niya ang pagyakap ni Daniel mula sa likod.

"Ba," malambing na sambit into, "Harap ka naman sa'kin, oh. Dalawang araw tayong di nagtagpo."

Dalawang araw natambakan si Daniel ng trabaho. Kabi-kabilang tvc, shooting, meet and greets na halos walang pahinga.

"Sus, namiss mo lang ako eh!" Natatawang panunudyo niya bago pumihit paharap dito. Niyakap siya nito ng pagkahigpit higpit.

"Oo naman. Miss na miss kita, mahal. 2 days straight without your hugs and kisses. Hay, buti nalang isang linggo akong pahinga! Cuddle cuddle tayo!" Napahagikgik siya sa sinabi nito, dahan dahang inangat ang sarili para magkatapat ang mukha nila.

Bakas sa mukha ni Daniel ang labis na pagkapagod. Ngayon lang ito nakahiga muli sa malambot na kama matapos ang dalawang araw, tsaka ngayon lang yata nakapagpahinga ng husto.

Nag-alala pa nga siya dahil kakagaling lang nito sa trangkaso ay ipinasabak agad sa trabaho. Hinipo niya ang noo't leeg nito.

"Nag-aalala ka na naman eh." Natatawang sabi nito.

"Okay lang ako. Kiss mo nalang ako, Dali!"

Alam niyang nagbibiro lang ito, pero nilapit nalang niya ang sarili. Nagpapikit pikit pa si Daniel na animo'y nagpapacute.

"Nakakatawa ka ano? Pacute ka talaga kahit kailan!" Naiiling na wika niya.

"Epektib pala ano, babes?" Ngumuso pa ito bago ulitin ang ginagawa kanina. "Cute 'ko ba? Ikikiss mo na ako?"

Hinalikan niya ito ng marahan. Saglit na saglit lang, kaya nakabusangot nalang si Daniel.

"Bakit babes? Ang cheesy."

"Diba idol mo si Aga? Yung movie nila ni Lea, yung Sana Maulit Multi, babes tawagan nila."

"Hindi ko idol si Aga 'no, crush 'ko siya!" Kinikilig na sambit niya na nakapagpasimangot kay Daniel.

"Bakit mo ba crush 'yon?!" Inis na tanong nito.

"Yung dimples kasi niyaaaa!"

"Huh?! May dimples din ako baby! Tamo oh!" Ngumiti ito at hinablot pa ang kamay niya papunta sa mukha para iparamdam yung dimples kuno.

"Ehhhh! Iba kasi yung kanya!"

"Anong iba, parehas lang abnormality ng mukha yon no!" Reklamo pa nito habang lalong hinihigpitan ang mahigpit nang yakap.

"Ish! I can't breathe!"

"I love you too." Tsaka hinalikan sa ilong si Kathryn.

"Eh kasi naman. Sakin ka lang dapat kinikilig! Hindi kay Aga o kay Piolo!"

Tumawa nalang siya, habang nanatiling nakaakap ng mahigpit si Daniel na titig na titig sa mata niya.

"Sana wag mangyari sa'tin yun no?" Napahinga nalang siya ng malalim at humawak sa pisngi ni Daniel. "Wag mo gagawin yon ha? Wag mo 'ko iiwan kahit ipagtulakan pa kita paalis ng bansa." Ngumiti siya. "Kaya mo ba 'kong ipagtulakan?"

"Oo nga no. Hahaha. I love you Kath, please, wag na wag mong kakalimutan yon. I love you, I love you, I love you." Paulit ulit nitong sabi habang nagiiwan ng masuyong halik sa kanyang labi.

"I love you, DJ 'ko." At sabay pumikit ang kanilang mga mata.

-------------------------

"Ano? Ano bang problema mo kung tinanggihan 'ko sila mama? Hindi ba dapat matuwa ka kasi ikaw yung pinipili 'ko? Hindi ba dapat matuwa ka kasi hindi kita iiwan?"

Fragments - KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon