Seatmate?

1.6K 32 0
                                    

7-25-14

Kathryn's POV

"Yiiiiiiiiiie. Bagay talaga kayo!" Napairap nalang ako sa narinig ko. Seryoso ba sila?

"Che, Bulag ba kayo? Hindi. Hindi talaga e." Tumingin ako sa katabi ko na seryoso lang.

Isa to sa mga dahilan kung bakit ipinagpipilitan kong hindi kami bagay. Hindi lang kasi ang feelings ko ang dapat kinoconsider. Dapat, yung sayo rin. Halata namang, ayaw mo sa'kin e.

Kahit ba gusto kong mag-agree, magmumukha rin lang akong desperada. Parang tinetake advantage ko yung pang-aasar ng mga kaklase ko para lang makalapit sayo.

Kasi, sa totoo lang? Kahit lihim nalang kitang  pinagmamasdan, okay na ako dun. Ayaw ko namang ipagsiksikan ang sarili ko.

Ako na ang kusang tumayo at lumipat ng upuan. Nakakainis kasi e, sa tuwing nagkakatabi tayo, lagi nalang ganito. Lagi nalang asar dito, asar doon. Di ba nila alam kung gaano kahirap magpigil?

Eh ever since nadiscover nila na bagay DAW tayo, lagi nalang sila gumagawa ng paraan para magkatabi tayo. Minsan nakakatuwa, pero kadalasan naiinis lang ako.

Hindi mo naman ako kinakausap eh. Kahit tingin lang. Parang wala akong katabi kapag ikaw ang katabi ko.

Kaya rin pinipili ko nang lumayo. Mahirap na, Baka kung ano pang masabi ko.

Kinagat ko yung labi ko. Napasimangot nalang ako ng dumating yung kaklase kong nakaupo sa inuupuan ko ngayon.

"Ah, Jan. Pwede lipat ka muna sa upuan ko? Di ko kasi makita doon, malapit na naman akong matapos. Saglit nalang. Please?"

"Hala? Malabo na Mata mo Kath?" Nag-shrug ako.

"Oo yata e."

"Osige." Tapos lumipat na siya sa upuan ko.

Biglang dumating si Ma'am.

"Tapos na?" Yung iba, hindi nakasagot. Hindi nagsulat e, Akala siguro di na babalik si ma'am.

"Oh, Kath. Bakit nandyan ka?" Syempre, nagulat ako.

"Hindi ko po kasi kita sa likod ma'am."

"Oh? Gusto mo diyan ka nalang umupo? Jan, okay lang ba?" Lumingon ako kay Jan, nag-nod siya tapos nginitian niya ako.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now