Dito lang ako

1.1K 37 49
                                    


6-25-18

I don't have words 🙃 I honestly do not know where this came from (but I promise, it ain't something I pulled out of my.. 😂)

Napansin ko pala, ang hilig ko din sa confrontational scenes. I mean, is that normal? Kasi diba, one of the key things to a smooth-sailing (as far as smooth-sailing goes) relationship is communication? (Sabi nila. HAHAHAHAHAHA DON'T QUOTE ME ON THIS)

Sort of alternating POV's. Just a heads up.

(May bumabasa pa ba ng ganito? Hmm)

HALA! I SWEAR NAKA-ITALICS YUNG DIALOGUES AND SOME OTHER STUFF! huhuhu bakit :(

Disclaimer pala! I do not own Harry Potter. All referenced characters and plot points belong to the ever brilliant, J.K. Rowling.⚡
-

--------------

Napaangat ng tingin si Daniel nang marinig ang maingay na pagbukas ng pinto. Iniluwal nito ang pamilyar na tayo ng matalik na kaibigan. Nakatunghay ito kagaya ng lagi nitong gawi — parang hindi interesado — ngunit pansin niya ang tensyon dito.

"Uy," Nakangiting bati niya, "Napadaan ka?"

Isinarado nito ang pinto. Naglakad lakad.

Pumasada ang tingin nito sa silid. Maayos ang pagkakaorganisa ng mga aklat sa lagayan. Ganun na rin ang mga kagamitan pang-eskwelahan at pang-opisina.

"I expected more... chaos."

Lumunok siya.

Naalala ang kaganapan kanina.

"Gusto mong makita yung opisina?" Unti-unti nang dumudulas palayo ang ngiti niya.

Hanggang sa wala.

Hanggang sa sumikip ang dibdib niya.

Napansin nito ang pagbabago ng ekspresyon niya. Pero hindi kumibo.

Lumunok siyang ulit at huminga ng malalim.

Pilit ibinalik ang dating ngiti.

Ngunit sa pagkakaalam niya — at sigurado siyang alam na rin ng nagiisang kasama sa silid — na hindi na iyon babalik.

Kagaya ng tuluyang pag-alis ni Kathryn.

--------------

Iminuwestra niya ang sarili para ipakita ang opisinang tila dinaanan ng bagyo.

Natatakpan ng papel ang sahig. Halos wala na siyang makita niyon.

Iisa na lamang ang paper weight na nakahilera sa mesa niya. Dati'y mayroon siyang sampung nakalinya doon; iba ibang uri at disenyo.

Mukhang hindi na niya mahahagilap iyong lahat.

Maraming basag.

Yung paborito niyang baso.

Yung salamin niyang gamit pagmasakit ang ulo.

Yung isang bintana.

Yung babasaging modelo ng globo na namana pa niya sa kanyang lolo.

Pero syempre, mas basag pa rin ang puso niya.

Pinong pino ang pagkakabasag.

"Pasok," Natapakan niya ang ilang mga papel, "Nakasapatos ka naman?"

Fragments - KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon