If I Had A Choice (HER SIDE)

1.5K 33 4
                                    

12-27-14

(INCASE YOU GET CONFUSED,

*Niya,Siya: Kathryn*

*Nito, Ito: Daniel or Katelyn.*)

If I had a Choice, I would've chose to never leave you..........

--------------------------

IF I HAD A CHOICE (Her Side)

"Mommy!" Napaupo siya sa kama ng marinig ang matinis na boses ng anak niya. Nasapo niya bigla ang noo.


"Baby, go back to sleep. It's only 6 in the morning." Nanunudyong pagaalok niya. Ano ba naman kasi ang naisipan nito at alasais palang ay pinapabangon na siya?


"No mommy! You promised! We're going to the mall today! Woo!" Tumalon ito bigla sa kama niya, at muntikan pa nga siyang matalunan nito.


"Baby,stop jumping! You might hurt yourself." Agad naman itong sumunod at umupo na lamang sa harap niya.


"So......?" Tumayo itong muli sa harapan niya ng muli siyang humilata sa Kama. "Mommy! Get up!" Naiinis ng bulyaw nito.


"It's only 6. We can go later, before lunch." Ewan ba niya, parang takot na takot na siyang lumabas pang muli ng bahay matapos ang nangyari dalawang araw pa lamang ang nakalilipas.


"Mommy, you slept early last night. Please tell me why you don't want to go now." Nakasimangot na ito ng magtanong.


"I don't wanna go outside."


Alam naman niyang hindi niya ito maiiwasan habang buhay, pero gusto lang naman sana niyang iwasan ito hangga't kaya niya.


Her daughter deserves a complete family............ pero parang hindi pa niya kayang ibigay iyon sa kanya. "Is it because of daddy?"


Nakita niyang natutop nito bigla ang bibig. "Uh--- I mean okay, we can go later. 10 okay mommy?" Matapos siyang halikan nito sa pisngi ay agad na itong tumakbo papunta sa sariling silid.


Posible kayang nakita din ng anak nya si Daniel? At pano naman nito malalaman ang tungkol kay Daniel?

-----------------------

Sa halos tatlong taon niyang magisang tumataguyod sa anak niya, may minsang pagkakataon na lubos siyang nanghihinayang. Imbis na sabay nilang nakikikita ni Daniel ang paglaki ng anak nila, siya lang magisa at hindi nga rin niya alam kung makakasama pa niya si Daniel.


Masaya naman siya. Oo at mahirap noong panahong pinagbubuntis niya ang bata, wala siyang kaagapay na kahit sino na makakapagbigay ng nais niya tuwing nagkecrave siya. Pero napakasaya niya ng tuluyan ng pumasok sa buhay niya si Katelyn.


Si Katelyn Daniella Bernardo-Padilla. Noong una pa nga'y nagaalinlangan siyang ilagay ang apelyido ng dating kasintahan dahil sa kadahilanan na wala naman siyang karapatan. Pero sa huli'y namayani parin sakanya ang kagustuhang maisama si Daniel sa buhay ng anak, kahit apelyido lamang.


Naging mahirap ang lahat para sakanya. Lalo na ang pagsasabi sa pamilya niya ng tungkol kay Katelyn. Tinanggap naman ng mga ito si Katelyn. Pero mas naging kumplikado ang lahat ng bigla siyang nakita ni Roanna.

( ** are flashbacks)

**

"KATELYN DANIELLA BERNARDO-PADILLA!" Napatalon ang bata ng bigla niya itong tawagin sa buong pangalan.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now