Sorry Na.........

1.6K 31 2
                                    

7-12-14

Daniel's POV

"Sorry na! Hindi ko naman ginustong gustuhin ka eh!!"

Napasinghap ako sa narinig ko. Ayan ka na naman, Kathryn. Ayan ka na naman sa sorry mo. Ayan ka na naman sa pahabol habol mo. Kahit alam nating pareho, lahat ng tao na sinasadya mo, Ayan ka na naman sa sorry mo. Di ka ba nagsasawa?









"Hindi ko talaga ginustong suntukin ka! Eh kasi naman! Yung mukha mo parang sumisigaw ng 'suntukin mo koooo!'. Tsaka mukha ka kasi talagang punching bag! Sorry na!" Ako pa nagmukang punching bag? Mukhang to? Tong gwapong to?




Sabagay, papayag akong maging punching bag niya. Pucha, mahal ko siya eh!


Hindi ko alam. Bakit ba ikaw ang minahal ko, Kathryn Bernardo? Dahil ba cute ka? Maganda? Sexy? Grabe, hindi ko kasi talaga alam eh!


"Okay lang." Tumango nalang ako tsaka naglakad papalayo.




Bakit kahit nagmumukha na'kong tanga, mahal na mahal pa rin kita? Grabe, hindi ko na talaga alam.

---------------------------------------------------

"Sorry Na! Hindi ko ginustong tapunan ka ng spaghetti at iced tea! HUHU Kausap ko kasi si-----"


"Okay na, Kathryn. Oo na, hindi mo na ginusto. Oo na hindi mo na sinasadya. Oo na. Oo na wala kang kasalanan. Pero pwede bang pakitigilan mo na? Nakakapikon na kasi,Kath..."

Pinipilit kong magtimpi, para sayo. Pinipilit kong okay ang lahat, kahit hindi. Para sayo. God Kathryn! Para sayo, nagagawa kong ipahiya ang sarili ko sa maraming tao. Pero pasensya na. Hindi ko na kaya. Nakakapikon na rin kasi.

Nakita kong bigla siyang lumungkot. "Sorry, DJ. Sorry."

Tumango ako at hahakbang ng bigla niya akong pinigilan. Niyakap niya ako. Hindi pa ako nakakapagpalit!

Agad ko siyang nilayo. "Ano ka ba naman Kathryn? Hindi pa ako nakakapagpalit! Tignan mo! Meron ka na rin tapos kalat kalat! May dala ka bang damit? Hala naman! Ang kulit mo! Grabe lalo lang ako----" Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin tapos hinalikan niya ko.



"Omo! Sorry! Hindi ko sinasadyang halikan ka! Eh kasi! Ang ingay ingay mo!" Shocked pa rin ako. Fuuuuuu. Hinalikan niya ko. O.O



"Sorry na! Sorry na! Sorry na!"



"Psh. Pasalamat ka mahal kita!" Nakita kong inirapan niya ko, pero halata yung pamumula ng cheeks. Grabe, ako din, ramdam ko yung pamumula ko!


"Sorry ka, mas mahal kasi kita." Boom Panes.


-------------------------------------

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now