All That Matters

1.6K 38 8
                                    

3-14-16

I DEDICATE THIS TO ALL OF YA HAHAHAHA ICU! THIS CONTAINS A BIT OF HARSHNESS BUT IT'S CUTE OVERALL (FOR ME)

----------------

Humahangos si Daniel sa hallway ng paaralan habang mahigpit na kapit ang cellphone niya. Nakatapat ito sa tenga niya habang pilit pinapakalma ang natatarantang asawa.

"Mahal," Kalmadong pagtawag niya. "J. Love. Ang Baby Sky ko." Naiiyak na nguyngoy ni Kathryn sa kanya.

Kung kasama niya lang ito, siguro kanina pa ito umiiyak at kung anong pagtakbo na ang ginawa nito. Gusto niyang yakapin ito, halikan at pangakuan na okay lang si Sky.

Marami na ring mga taong nagtitinginan sa kanya. Kahit anong pilit niyang itago ang sarili ay napapansin pa rin siya. "J, please make sure na okay lang ang panganay natin..."

"Oo naman, mahal," Pagbawi niya, "Ahhh gusto ko nang pumunta diyan!"

"No na, Bali. Focus ka nalang sa shooting, please? Smile ka na, mahal? Para sakin?" Hinihiling niya nalang na kahit kaunti ay gumaan ang pakiramdam nito. "Okay, Bali, I'm here na, papasok na ko sa room." Pagsabi niya habang pinipihit ang doorknob ng nasabing pinto.

Unang hinanap ng mata niya ang anak.

Nakita niya itong nakaupo sa isang upuan, nakahalukipkip at nasa tapat nito ang isa pang estudyante at isang babae na magulang siguro.

Binalewala niya na iyon at pinuntahan ang anak.

"Sky," Tumingala ito sa kanya. Nangingintab ang mga mata nito na namana niya sa ina. Sapo sapo nito ang pisngi, nakangiwi dahil siguro sa kirot. "Sky, anak."

Lumuhod siya sa harap nito matapos mailagay ang cellphone sa katabing upuan. Hindi pa rin niya ibinababa ang tawag, kakausapin lang muna niya ang bata. Inayos niya ang buhok nito na nakasabog sa mukha.

"Ta-tay." Nagpipigil ng luha ang bata. Napailing siya. "Patingin nga,"

Nagaalinlangan nitong tinanggal ang kamay sa pisngi. Namumula ang buong mukha nito habang kumukulay pasa na ang isang panig ng mukha.

"Gwapo pa rin." Biro niya, "Manang mana kay Tatay." Napangisi siya ng bahagyang ngumiti si Sky sa sinabi niya.

"Masakit ba, nak?" Nagpumilit itong umiling kahit nakangiwi parin sa sakit. "Hay, mana talaga." Kinuha na niyang muli ang cellphone para kausapin muli si Kathryn.

"Love? J? Si Sky?" Sunud sunod na tanong nito pagkaangat niya. "Teka. Kalma ka muna, mahal."

"Sky, si nanay." Iniabot niya ang cellphone dito. "Kakausapin ka daw ni nanay."

Nanlaki ang mata nito bago umiling. "Huh? Bakit?" Umiling pa ito lalo, pilit itinutulak ang hawak niya sa kanya.

"Nak, bakit? Anong problema?"

"Nanay will get mad. Nanay will get stressed. I don't want nanay to get stressed because of me," Katwiran nito. Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha nito.

Pinunasan niya ang pisngi nito. "No, buddy. Nanay is not mad, okay? Nanay is just worried. But she's not mad. Do you want nanay to continue worrying?" Umiling ito.

"Then talk to her." Sa pangalawang pagkakataon, iniabot niyang muli ang kapit. Nagpasalamat nalang siya ng palihim dahil tinanggap na ni Sky ang cellphone.

Fragments - KathNiel One ShotsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu