Laruan

1.6K 23 1
                                    

7-23-14

Kathryn's POV

Miss na kita.

Bakit kasi hindi ka humawak ng maigi? Bakit hindi mo ko sinubukang makuha muli? Bakit ka bumitaw?

'Kathryn, itigil na natin to.' Naglolokohan ba tayo Daniel? Naglalaro ba tayo? Bakit hindi ako informed? Ah, hindi pala. Kasi ikaw lang ang naglalaro, tapos ako, ako yung laruan mo, Ako yung niloko mo.

Maiintindihan ko naman eh. Pipilitin kong intindihin kahit masakit. Iintindihin kong laro lang para sa'yo to............ kahit kailan hindi ko magagawa yon. Lalo na sayo. Nakakainis lang, kasi mahal parin kita hanggang ngayon.

Masakit, mahirap tanggapin, pero kailangan eh. Kasi kasinungalingan lang lahat yon..............

-----------------------

"Kathryn" Napatigil ako ng marinig ko ang boses mo. Garalgal at halatang kakagaling lang sa iyak.

Ano? Iniwan ka ba ng girlfriend mo? So ano ako dito? Takbuhan kapag nasasaktan ka?

"Kath, Hindi ko na kaya......." Tumawa ako ng mapakla.

"Hindi mo kaya? Ako nga iniwan mo eh. Pero kinakaya ko. Ikaw? Nag-aaway ba kayo ng babae mo?" Sa sobrang sakit, Hindi ko napigilan ang bibig ko.

"Kathryn," Bigla ko nalang nakita ang sarili kong nakakulong sa yakap mo.

Bakit ka ba ganyan Daniel? Pinaglalaruan mo na naman ba ako?

Pinilit kong kumawala sa yakap mo. Dahil alam kong ilan pang segundo ay bibigay na naman ako......

"Nandito ka na naman ba para paglaruan ako? Kung dati mabilis mong nakuha ang loob ko, pwes ngayon Hindi ko na hahayaang mapaglaruan mo na naman ako!"

"Nagsinungaling ako!" Nagulat ako sa biglang sigaw mo.

"Sinabi kong minahal kita, Pero hindi totoo yon!" Para akong sinaksak ng paulit ulit sa sinabi mo. Kahit kelan talaga, walang preno bibig mo.

"Alam ko naman yon, Daniel. Kaya nga iniisip ko na ang galing mong aktor kasi napaikot mo ako. Ako pa ginawa mong tester. Well, kung gusto mong marinig yon, Oo na. Napaniwala mo na ako! Pasa ka na bilang best actor!" Nagsimula akong maglakad papalayo sa'yo.

"Nagsinungaling ako kasi hanggang ngayon, mahal na mahal parin kita. Kathryn, mahal kita!"

"Alam mo, ang tagal tagal ko ng ginustong marinig ulit yan sayo. Pero sorry nalang, ayoko ng maging laruan mo."

Dahil sa susunod na pagkakataong masaktan mo ako, Hindi ko na alam kung kakayanin ko.....

-----------------------

A/N: Hindi ko alam kung paano ko tatapusin to. So..... open ending? Hahahaha. Gusto kong dugtungan kaso ayaw ko. Ano daw? HAHAHAHAHAHA. XD Bahala na.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now