Understand

1.6K 42 15
                                    

05-10-16

OH THE JOY

------------------

"Chandri!" Nakangiting tinahak ni Daniel ang daan na papunta sa kinauupuan ng unica ija.

"Hi baby," Humalik siya sa noo nito at binuhat na niya ito. Walang imik na umakap ang maliit na braso nito sa leeg niya.

"Oh, say bye na to Dess." Udyok niya ng makita ang kalaro ng anak. Sumiksik lang si Chandri sa kanya.

"Chan Chan?" Umiling ito. "Dess, bye daw sabi ni Chandri." Siya na mismo ang nagpaalam sa bata dahil parang napagod ng maigi ang kalong niya.

"Sige po tito. Bye po!"

Iniayos niya ang anak at ipinwesto ito sa sarili nitong car seat. Hanggang sa kasalukuyan ay nakapirme lang ito at mukhang walang planong magsalita.

Baka napagod lang. Kumbinsi niya sa sarili.

Ang panganay kasi nila ay kamukha ng asawa niya, kaugali pa. Normal na kay Kathryn ang pananahimik sa tuwing pagod o di kaya'y may dinadamdam. Siya naman, sa kabilang panig, ay lalong kumukulit.

Wala e, likas na sa kanya ang ganoon.

Inintay niyang magusap ng kahit kaunti ang bata. Ngunit wala siyang narinig kundi ang malalalim nitong paghinga.

Nakatanaw ito sa malayo, at kahit ayaw niyang masyadong isipan ng malalim ang akto nito, kita niyang may bumabagabag dito.

Kahit pa ipinarada na niya ang kotse sa garahe ay nakatulala ito sa kawalan. Binuksan niya ang pinto ng kotse kung san ito malapit.

"Baby girl, what's wrong?" Lalong pagsimangot ang tanging ginawa nito. Hindi muna niya itinuloy ang balak na pagtanggal ng seat belt nito.

"Chanchan koooo." Malambing na suya, "Anong problema?"

Umiling ito. At least ay rumeresponde na ito sa wakas.

"Pagod ka na?" Hula niya, "Antok ka? Halika, carry ka ni tatay sa room. Tulog tayo." Iling ulit ang sagot nito.

"I can handle tatay." Tumango nalang siya at saka tinuloy ang pagaalis ng seat belt nito.

Bagsak ang balikat na tinungo nito ang bahay nila. Nababagabag talaga siya.

Hindi naman ganito ang anak niya kahit pa pagod na pagod. Isa sa namana nito sa kanya ay ang pagiging malambing. Kahit pinipili nitong manahimik karaniwan, yayakap pa rin ito sa kanya kahit papaano.

"Chandri? Nagugutom ka ba? Kain tayo." Subok niyang muli. Inilingan siya ulit nito.

"May gusto ka? Bili tayong candies? Ice cream? Hindi ko sasabihin kay nanay. Secret nating dalawa." Napaisip tuloy ito. Napangiti siya. Kathryn na Kathryn. Hilig rin sa matamisin.

Nakangising tipid na umoo. Walang angal naman itong pumayag ng kalungin niya palabas ng bahay. "Manang, magdedate lang po kami ng Chandrina ko, pakisabi na lang kay misis." Bilin niya sa kasambahay na naiiwan kadalasan sa bahay nila.

"Tatay? Date?"

"Mhm." Isasakay na niya sana ang anak sa likod ng kotse kung nasaan ang car seat nito pero nagprotesta agad ito, aniya, "Can I sit on the passenger seat?"

'Wow, that's a first.' Hindi naman hilig nito ang pagsakay sa unahan. Mas nanaisin nitong nasa likod kaysa makatabi niya.

Nagtampo na nga siya dahil doon.

"Baby, sit here oh, beside tatay." Sinusundo niya si Chandri mula sa park na pinaglalaruan nito. Well, nakabantay naman siya dahil syempre, ni lamok ay di niya pinapadapo sa unica ija.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now