Bet Your Heart ♡ Chapter 31

20.5K 202 53
                                    

Chapter Thirty-One

Mark's POV

Our second weeeksary is a disaster. Grabe itong araw na 'to. Hindi ko alam kung mapipikon ba ako o ano. Umaga pa lang, hinihintay ko nang batiin niya ako ngayong weeksary namin dahil akala ko, malinaw na sa kanya na ise-celebrate namin iyon. Pero hindi pala.

Natapos kaming mag-breakfast at mananghalian pero wala pa din. Nang maghapon naman ay sinadya kong tumambay sa sala para kapag naalala niya na, hindi na siya mahihirapang maghagilap kung nasaan ako. Pero sa kasamaang palad, wala pa rin. Naghintay lang ako sa wala.

Nagulat na lang ako nang may narinig akong sumisigaw galing sa labas ng bahay. Parang sa garden galing. Sumilip ako sa bintana kung saan kita ang garden namin. Si Renz ang una kong nakita habang galit na sumisigaw kay Lianne. Hindi ko makita ang reaction ni Lianne dahil nakatalikod siya sa puwesto ko. Naririnig ko ang sigaw ni Renz pero hindi ko maintindihan kung ano ang mga sinasabi niya dahil sa layo ko sa kanila. Mabuti na lang kahit hindi ko narinig, naisahan ko si Lianne at ikinuwento niya iyon sa akin.

At naramdaman kong karibal ko pa yata ang kapatid ko sa kanya. Napamura na lang ako sa kuwento ni Lianne. Hindi ko alam kung likas lang talaga sa kanya ang pagiging manhid o sadyang bulag lang siya sa mga taong nagkakagusto sa kanya.

Ang galing din pala magtago ng nararamdaman ng kapatid ko. Hindi ko man lang nahalata na gusto niya rin si Lianne.

Napabuntong hininga ako sa iniisip ko at napatingin kay Lianne. Naglalakad kami ngayon pauwi sa bahay galing sa paghatid doon sa batang si Ella. Isa pa pala ang batang 'yon. Nakalimutan na naman ata ako ni Lianne dahil sa kanya. 'Kabanas lang. Kung hindi lang ako tinawag na 'babe' ni Lianne kanina ay hindi pa mawawala ang pagkainis ko at nunca na pumayag akong ihatid namin ang bata na iyon.

Hay... grabe na itong nagagawa sa akin ni Lianne. Isang tawag lang ng 'babe', okay na agad ako. Napailing na lang ako sa kabaliwan ko sa kanya.

Ayoko pang umuwi kami. Wala naman kasing nangyari sa date namin. Hindi ko man lang siya nasolo ng matagal-tagal. At dahil nga gusto ko siyang masolo ay huminto ako sa paglalakad.

"O, bakit?" nagtatakang niyang tanong.

"H'wag muna tayong umuwi." I am hopeful na papayag siya. Kahit man lang umupo lang kami sa isang lugar katulad ng kanina bago niya ako iniwan para bumili ng ice cream ay okay na sa akin.

"Ha? Eh, gabi na kaya. Uwi na tayo." Hinila niya ang kamay ko para magpatuloy sa paglalakad pero hindi ako natinag.

"Okay lang 'yan. Kasama mo naman ako, eh. Hindi tayo papagalitan nila Mama," I assured her. "Upo muna tayo roon." Itinuro ko ang isang bench na katabi ang isang puno na para bang ginawa para tambayan.

"Ayoko nga r'yan! A-ang dilim kaya," tanggi niya kaagad. And knowing her, takot talaga siya sa dilim.

Ewan ko ba sa babaeng ito, ang tanda-tanda na pero naniniwala pa rin sa mag multo.

"Ano naman kung madilim?" nangbubuyo kong tanong. "Kasama mo naman nga ako."

"'Yon na nga, eh. Madilim tapos ikaw pa ang kasama ko!" Natigilan siya pagkatapos ng sinabi niya na para bang may nasabi siyang mali.

I grimaced at her. Hindi naman pala siya takot sa multo o sa kung ano pa mang nilalang sa dilim, but she is afraid of being with in the dark. Dahil malisyosa siya, pagbibigyan ko siya.

"Bakit? Natatakot kang makasama ako sa dilim?" nananantiya kong tanong.

Her eyes became elusive. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Nakakatuwa pala kapag ganito siya. Parang high school na first time makakasama ang ultimate crush niya.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon