Bet Your Heart ♡ Chapter 43

18.9K 187 80
                                    

Chapter Forty-Three

Lianne's POV

Wake up sleepy head. I tapped my head para magising ako. Nang hindi pa ako nakuntento ay inalog ko pa.

Grabe... inaantok pa talaga ako but I have to wake up this early dahil mag-e-enroll ako ngayong araw. Ayoko namang tanghaliin dahil bukod sa mainit, I'm sure, madami ring tao at masikip.

Tumayo na ako mula sa kama ko, then I did my routine in the morning and I went downstairs for breakfast.

Kumakain na si Mommy pagpasok ko sa dinning. I'm just on time! May kasabay akong mag-aalmusal. Ayoko talaga kasing kumakain ng mag-isa. Ang lonely kaya kapag ganoon.

"Good morning, Princess!" bati ni Mommy sa akin nang makita ako, with all sweet smile on her lips.

Napangiti rin ako dahil sa ngiti niya at dahil din tinawag niya akong 'Princess'.

When was the last time she called me that way? Hindi ko na maalala. These days, hindi na kami gaanong nag-uusap, and even Dad. Nakaka-miss tuloy ang bonding namin during meals.

Humalik ako sa pisngi ni Mommy paglapit ko. "Good morning, Mommy."

Umupo na ako sa upuang para sa akin talaga.

"Bakit ang aga mo yatang bumangon ngayon?" tanong ni Mommy habang nilalagyan ng mga paborito kong almusal ang plato ko.

Ang sweet talaga ng Mommy ko. Kinikilig tuloy ako.

"Enrollment po namin ngayon, Mom," sagot ko sabay inom ng orange juice.

"Oh... I forgot, anak. Sorry, hindi kita nagising."

"It's okay, Mom," nakangiti kong sabi. "Pero bawal na ang pork, beans, hipon--"

"Stop that," pigil niya sa akin. "I'm not yet that old!"

Napatawa ako ng malakas. Ganyan talaga ang pang-asar ko sa kanya kapag nakakalimot siya at hanggang ngayon hindi pa rin nabibigo ang lines ko na iyon. Ang bilis pa ring maasar ni Mommy. Kaya gustung-gusto ko siyang inaasar, eh. Haha!

Kumain na lang ulit kami at hindi ko na inasar si Mommy. Baka mag-menopausal stage na naman siya at sumungit ng bonggang-bongga. Mahirap na.

∞∞∞

Nakarating ako sa school at siyempre, hinanap ko agad ang mga kaibigan kong alam ko namang sobrang miss na ang kagandahan ko. Chos! Nasa second floor study area daw sila na palagi naming tinatambayan. So, doon ako papunta ngayon.

May mga nakasalubong akong kakilala na bumati sa akin at ginantihan ko naman ng ngiti. Mayroon ding mga hindi ko kilala na kilala ako. The perks of being a popular. Charot! Kilala lang siguro nila ako dahil president ako ng isang organization.

Nang makaakyat ako sa second floor at matanaw ko ang puwesto namin palagi, si Faye at Tracy with her longtime boyfriend, Oliver, pa lang ang nakita ko. Late na naman si Myleen! Bakit na naman kaya late ang babaeng iyon? Mabuti pa ako, palaging on time. As in, sakto sa oras.

"Hi, bruh!" bati ko agad sa kanila nang makalapit ako. 'Bruh' ang tawagan naming magkakaibigan, as in, 'Bruha.'

"Hello, bruh!" energetic na bati rin ni Tracy. Mukhang maganda ang mood dahil kasama ang boyfriend. "Oh, my gosh! How are you? I missed you!" And she threw herself on me for a hug.

"I'm so fine not until you hugged me so tight, bruh," nakangiwi kong sabi. Hindi ako makahinga!

"Oh, I'm sorry..." Binitawan niya ako. "Na-miss lang talaga kita." At humagikgik pa siya.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon