Still Playing ♡ Chapter 36 & 37

13K 206 41
                                    

Chapter Thirty-Six

Lianne's POV

"Aray!" Takte! Palabas na lang ng bahay matatapilok pa! Kapag minamalas ka naman talaga, o! Male-late na nga ako, eh!

Shocks! Ang dami ko pa namang gagawin. Pupunta kami sa orphanage to do the out-reach ngayong araw kahit hindi dapat ako papasok ngayong araw. Kapag talaga maganda, mabait din kaya hindi na ako kumontra sa mga naging plano nila noong wala ako.

"Lianne—" Lumingon si Mark sa akin at napahinto nang makitang nakayuko ako. "What happened?" tanong niya at mabilis na lumapit sa akin. Ihahatid niya na naman ako sa university.

Heto, na-fall sa iyo at nasaktan. Charot!

"Ah... wala. Muntik lang matapilok," pagsisinungaling ko at dumiretso ako ng tayo.

"Masakit ba?" tanong pa ulit niya na mukhang nag-aalala.

Oo, masakit talaga, Mark. Dito, o... dito sa puso ko. Charot lang ulit.

"Hindi. Ayos lang," pagsisinungaling ko na naman. Pero hindi naman talaga masyadong masakit na hindi ko kayang maglakad. Parang may naipit na ugat lang.

Ngumiti pa ako para ma-convince siya. Mukhang hindi na naman kasi siya naniniwala. Hindi ko tuloy malaman kung may nakasulat ba sa mukha ko na, 'Sinungaling ako kaya huwag kang maniwala sa akin!' o ano.

"Tara na. Male-late na ako," aya ko pa sa kanya at nauna na akong maglakad papunta sa kotse niyang bago... bagong palit ng kulay.

Black dati ang kulay ng kotse niya, ngayon light brown na. I just want to roll my eyes. Kung hindi ba naman siya nang-aasar. Paboritong kulay ko kaya iyon. Ang ganda tuloy ng kotse niya sa paningin ko. Lalo na siguro kapag nakasakay na ako.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Kasi nga, nauna akong maglakad sa kanya, 'di ba? Alangan hintayin ko pa talaga siya para lang pagbuksan niya ako ng pinto at makasakay ako?

Alam ko, kulang-kulang ako sa turnilyo sa ulo, pero hindi ako ganoon kainutil.

Hinatak ko ang seatbelt pagkaupo ko. Kaso sumakit ang balikat ko kaya hindi ko kaagad naayos ang pagkakakabit.

Si Renz ang may sal nito! Napilayan yata ako sa paghila niya sa akin kahapon. I actually feel a little bit warm and chilly. May lagnat yata ako pero hindi ko sinabi kay Mommy. Baka kasi hindi ako payagan sumama sa orphanage. Sayang ang experience. Minsan lang ako magmumukhang mabait kaya hindi ko ito palalampasin!

"Ako na nga." He held the seatbelt's buckle at siya na ang nagkabit.

"Thanks." Ngumiti ulit ako sa kanya.

Hay... nakakailang ngiti na ako sa kanya, pero ang seryoso pa rin niya. Ano bang problema niya? Ayaw niya ba akong ihatid at napipilitan lang siya?

Nagkibit-balikat na lang ako at siya naman ay nagsimula nang mag-drive.

Pinagkaabalahan ko na lang ang paa kong natapilok kanina. Tinanggal ko ang isa kong sapatos at inikut-ikot ko ang ankle ng natapilok kong paa kanina.

"Okay lang ba talaga 'yang paa mo?"

Eh? Napalingon ako kay Mark. Napansin niya itong ginagawa ko? Eh, sa daan lang kaya siya nakatingin. May mata ba siya sa gilid ng ulo? Or nangamoy ba ang paa ko? Gosh... kailangan ko na yatang maglagay ng deo sa paa!

"Okay nga lang," sagot ko at pasimple kong isinuot na ulit ang sapatos ko. Feeling ko naamoy niya talaga ang paa ko!

Hindi na siya ulit nagsalita.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon