She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46

15.3K 163 36
                                    

Chapter Forty-Five

Lianne's POV

Ilang segundong nakatingin lang kami pareho sa loob ng unit. Walang nagsalita dahil pareho kaming gulat sa mga nakita namin. Naging triple ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ito pala ang dahilan kung bakit ako kinakabahan.

Nilingon ko si Mark. Wala na ang ngiting nasa mga labi niya kanina. Salubong ang mga kilay niya at nakatiim ang bagang. Iniwasan kong tingnan ang mga mata niya dahil natatakot ako sa makikita ko doon.

"M-Mark..."

Tumingin siya sa akin at kahit ayokong makita kung ano ang nasa mga mata niya ay hindi ko na naiwasan. Pain and anger. Iyon ang mga nasa mata niya but I can't figure out which emotion is greater.

Napalunok ako. I want to say something pero hindi ko mahanap ang sarili kong boses.

"I'll wait in the car," malamig niyang sabi kasabay ng pagtalikod niya. "Pakibilisan." At naglakad na siya pabalik sa kotse niya.

Hindi ko agad nagawang sundan siya. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko at kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nasa loob ng unit ni Ejhay. Nakatingin lang ako sa likod niya at habang papalayo siya, pakiramdam ko ay hindi na siya babalik pa.

Sa bawat hakbang na ginagawa niya ay nagsisikip ang dibdib ko. Napahawak ako sa gilid ng pinto dahil pakiramdam ko ay nawawalan na ng lakas ang mga tuhod kong kanina pa nanginginig.

Sinulyapan ko ulit ang loob ng unit at mariin akong napapikit.

Ejhay, anong ibig-sabihin nito? Hindi ko maiwasang itanong sa isip ko.

Marami pang tanong na pumasok sa isip ko habang nakatingin sa mga malalaking litrato na nakadikit sa glass walls na nakatapat sa pinto ng unit ni Ejhay. Lahat ng pagkakataon na magkasama kami may litrato. Kahit iyong gabi na naglalakad kami sa labas ng bahay namin at kanina sa café. Lahat ay nandoon.

Kung sa ibang pagkakataon siguro na makita ko ito ay baka mapangiti pa ako dahil bagay na bagay kaming dalawa. Pero sa sitwasiyon ngayon ay hindi ko kaya iyong makita kahit pa gaano kagaganda na para bang professional and kumuha.

But dammit! Hindi dapat iyon ang iniintindi ko! Mark is furious about this, for sure.

Dumaan ulit sa isip ko ang galit at sakit na nakita ko sa mga mata ni Mark. I gasped for air dahil parang sumikip na naman ang dibdib ko.

I let a minute past to calm my still trembling knees. Nang pakiramdam ko ay bumabalik na ang lakas ko ay agad kong isinarap ulit ang pinto at saka ako nagmamadaling sumunod kay Mark without getting the things na sinadya ko.

Nakabalik ako sa pinagparadahan ng kotse in a swift. Nasa loob na si Mark, sigurado ako dahil nakabukas ang manika ng sasakyan. Pagbukas ko ng pinto sa gilid ng passenger seat ay nakita ko siyang mariin na nakapikit habang nakasandal sa driver's seat na para bang gusto niyang alisin sa utak ang nakita niya sa loob ng unit ni Ejhay.

Agad siyang umayos sa pagkakaupo nang maramdaman niyang sumakay na ako sa kotse. Pagkasara ko ng pinto sa gilid ko ay walang salitang pinaandar na niya ang kotse. His face's blank.

Katulad kanina ay hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihin ko. Saan ako magsisimula? At sa nakikita ko sa kanya ay mukhang hindi siya makikinig sa kahit anong sabihin ko. But I have to try...

"M-mark..." tawag ko sa kanya sa nanginginig na tinig.

As I expected, hindi siya kumibo. Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. Medyo nakalayo-layo na din kami dahil may kabilisan ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon