She Played Her Part ♡ Chapter 23

16.5K 162 33
                                    

Chapter Twenty-Three

Lianne's POV

"Lianne..." Suminghot-singhot si Qinn. "Pinalayas ako ni Daddy. He only gave me a car which I can't drive. My cards had been cut off. I don't know what to do... I don't know how to live..."

Parang batang nagsusumbong si Qinn sa nanay niya at pakiramdam ko, ako ang nanay niya. But I really felt what he's saying. Parang ganoon din ang nangyari sa akin nitong nakaraan lang. My Dad just let me go.

"And Zideyn said he will teach me how to drive but looks like he doesn't know how to drive too," dagdag pa ni Qinn.

"Hoy, marunong ako! Engot ka lang talaga turuan!" apila naman kaagad ni Zideyn at binatukan pa si Qinn.

"Hindi ka marunong!" Gumanti rin ng batok si Qinn. "Kaya nga muntik na natin silang mabangga, eh!"

Para akong nakakita ng cute na version namin nila Mark at Renz sa dalawa. Grabe rin sila magmahalan! Kulang na lang ay gulpihin nila ang isa't isa. Pero mukhang mas sadista at masokista sila sa amin dahil wala man lang akong narinig na "aray" o kung anumang reklamo mula sa kanilang dalawa habang nagkakasakitan.

Naturukan ba sila ng sandamakmak na anesthesia?

"Hindi ka kasi nakikinig sa instructor mo!" Binatukan ulit siya ni Zideyn.

Gaganti pa ulit sana si Qinn pero pumagit na ako sa kanila. "Hep! Tama na 'yan kids!" awat ko na.

Takte! Parang ako nasasaktan sa pagbabatukan nila! Napapapikit at napapayuko pa ako kapag babatok ang isa sa kanila! Nakakaloka! Daig pa nila ang mga bata jung mag-away! Kung hindi pipigilan, hindi hihinto!

"Para walang away..." Tumingin ako kay Qinn sa kaliwa at kay Zideyn na nasa kanan. "Magpapaturo tayong tatlo kay Mark mag-drive!"

Gusto ko sana silang akbayan kaso hindi ko abot ang mga shoulders nila dahil para sa mga isip bata, masyado silang malalaking mama!

Nagliwanag ang mukha ng dalawa at tumingin kaming tatlo kay Mark with our puppy eyes.

"What are you saying?!" gulat na sabi ni Mark.

Sa buong pag-aaway ni Qinn at Zideyn ay hindi siya nagsalita at nanonood lang. He seemed to be not interested in whatever's happening.

Ngumiti pa ako ng malapad. "Please...?"

Nakangiti ring ang dalawa habang naghihintay sa sagot ni Mark. Mukha silang mga maamong bata na hindi gagawa ng kung anumang kasutilan.

"No," maiksi at seryosong sagot ni Mark at hinila na niya ako. "Let's go home. I told you, I won't seat behind wheels again."

"But, Mark..." Lumingon ako sa dalawa na nanatili lang sa kinatatayuan nila. Hindi na sila nakangiti at mukhang iiyak na. "Look at them... kawawa naman sila."

Huminto si Mark at lumingon din sa dalawa. "Get home safely, kids!" sigaw niya at hinatak na niya ulit ako palayo.

"Really, Mark?" hindi makapaniwalang sabi ko. "You'll just let them drive? Nakita mo naman kanina na muntik na tayong madisgrasya!"

"Yeah, that's why I'm going to take you away from them bago pa may mangyari na namang hindi maganda," sabi niya at tumingin siya sa akin. "And stop judging me."

I twitched the side of my lips and gave him my most judgmental look. Alam niyang hindi marunong mag-drive iyong dalawa. So, paano sila uuwi ng ligtas? Si Hannah lang ba ang alam niyang tulungan?

Nainis ako sa naisip ko kaya hinila ko ang kamay kong hawak niya.

"Lianne—"

I raised my hand to stop him from talking. "If you're not going to teach me how to drive anymore, just like you promised," I gave emphasis on the word 'promised.' "You should at least teach one of them how to drive."

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon