Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43

16.6K 315 46
                                    

Chapter Forty-One

Lianne's POV

Oh, noes! Not again!

Tumili ako at nagpapalag pero masyado siyang malakas at in all fairness, ang bango niya! Amoy... amoy macho siya!

Sino ba itong mabangong nilalang na 'to?

Tinakpan niya ang bibig ko para matigil ako sa kakatili. And oh, noes again! Binuhat niya ako na parang sako ng bigas. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay sa likoran ko gamit ang isa niyang kamay. Para lang akong papel na walang kahirap-hirap niyang binuhat kahit pa pumapalag ako.

Nagsimula na akong kabahan ng bonggang-bongga to the maximum level!

Oh, noes talaga!

Kidnapping na naman ba ito?

Ay, hindi! Hindi ito kidnapping! With your consent ang ginawang pagbuhat sa iyo na para ka lang isang bagay na binuhat ng isang kargador, 'di ba?

Walang'ya itong isip ko, ah? Binabara ako?

Ang tanga mo kasi! Sa tingin mo ba ay mamasyal kayo ng lalaking may buhat sa iyo ngayon?

Ay, hindi! Akala ko ay magsa-shopping kami!

Ang sht ko lang! Kini-kidnap na nga ako 'tapos inaaway ko pa ang sarili ko?

Pero kidnapper ba talaga ang taong ito? Bakit sobrang bango niya?!

Kasi binigyan siya ng pambili ng mamahaling perfume ng master mind sa pag-kidnap sa iyo bago ka niya kinidnap!

Ah, ganoon ba? Okay, fine.

Ugh! Bakit hindi man lang ako tumino mag-isip kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang naman at pagkatapos puwede na ulit akong magpakabaliw.

Gusto ko na lang umiyak dahil sa sobrang kaba. Sino naman ngayon ang may gustong gawan ako ng masama? At may magliligtas kaya sa akin sa pagkakataon na ito?

Lalo ko pang pinag-igihan ang panglalaban pero naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng malay ko. I tried to fight it, but I couldn't.

Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Hindi ko pa maimulat ang mga mata ko noong una dahil sa sobrang liwanag ng ilaw. Pero nang masanay ang mga mata ko ay napansin ko agad ang mga litrato sa paligid.

Kumunot ang noo ko. Hindi pa yata ako totoong gising at nananaginip pa rin. Bakit puro mukha ni Mark ang nakikita ko?

Pumikit ulit ako dahil baka namamalik-mata lang ako o hindi kaya ay nananaginip pa. And then I pinched my arm.

"Ouch!" daing ko kasabay ng pagmulat ulit ng mga mata ko.

Siguro naman ay gising na talaga ako.

Pero nandoon pa rin ang mga litrato namin ni Mark sa buong dingding ng kuwarto. Maraming kuha ang mga iyon pero halos pare-pareho. Magkayakap kami habang natutulog sa loob ng sasakyan at may ibang hinalikan niya ako sa pisngi at labi. Anong pakana na naman ito?

I sighed in surrender. This is still a dream! Ganoon ang panaginip ko kanina sa loob ng van! I surveyed the wall dreamily. If this is still a dream, I should enjoy this.

But then I noticed our clothes...

Napatingin ako sa suot ko at iyon din ang nasa mga litrato. At hindi ako nagkakamali na iyon din ang suot kanina ni Mark!

Pumikit ulit ako at tinampla-tampal ko ng mahina ang magkabilang pisngi ko ng ilang beses bago ulit ako nagmulat ng mga mata.

At wow! Nasa harap ko pa rin ang mga litrato! Gising na ba talaga ako?!

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon