Bet Your Heart ♡ Chapter 17

22.5K 228 41
                                    

Chapter Seventeen

Renz' POV

Hindi ko alam kung saan ko ba dadalhin si Wendy ngayon. Peste naman kasi ang dalawa iyon kanina, eh. Ayoko silang kasama. Baka asarin na naman nila ako. Magkasundo pa naman silang dalawa sa pang-aasar sa akin kapag kasama si Wendy.

Lakad lang kami nang lakad dito sa tabing dagat na walang specific na pupuntahan at napabuntong-hininga na lang ako dahil wala talaga akong maisip na pagdadalhan sa kanya sa ganitong oras.

Bukas aalis na siya. Dapat sinusulit ko na ngayon na magkasama kami dahil hindi ko alam kung kailan kami ulit pwedeng magkita pagbalik namin sa Manila.

Niyuko ko ang mga kamay namin na magkahawak pa rin hanggang ngayon.

Malambot ang palad niya. Halatang walang ginagawa sa loob ng bahay. Parang mga kamay lang ni Lianne.

Psh! Hindi ko pala pwedeng isipin si Lianne ngayon habang si Wendy ang kasama ko. Baka malungkot na naman siya kapag nalaman niyang si Lianne na naman ang nasa isip ko.

"Renz..." Napalingon ako sa pagtawag niya sa pangalan ko at ngayon ko lang na-realize na 'Renz' na din pala ang tawag niya sa akin. "Saan ba tayo pupunta?" tanong niya.

Nahalata niya na yatang kanina pa kami lakad lang nang lakad at wala naman kaming patutunguhan.

"Hindi ko rin alam, eh," pag-amin ko at napakamot pa ako sa ulo.

"Kanina pa tayo palakad-lakad, 'tapos wala naman pala tayong pupuntahan?" nakasimangot niyang sabi at huminto na siya sa paglalakad.

"Tara upo muna tayo roon." Hinila ko siya sa pinakamalapit na bench na nakita ko.

Umupo kami at wala na namang nagsasalita sa amin. Nilalaro niya lang ng dalawa niyang kamay ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Hinawakan niya isa-isa ang mga daliri ko na parang binibilang.

Napapangiti naman ako sa ginagawa niya. Para naman kasing kulang o lagpas sa lima 'yong mga daliri ko sa kamay.

Ganoon pa rin ang ginagawa niya sa mga daliri ko nang bigla siyang magsalita. "Ang swerte ni Lianne, 'no?" Tumingin pa siya sa akin saglit at agad ding ibinalik ang tingin sa mga kamay namin.

Naramdaman ko naman kaagad ang lungkot niya at bumigat na naman ang pakiramdam ko.

She sighed and smiled sadly. "She has a perfect life. Parents na laging nand'yan para sa kanya na nakaalalay. Parang two pair pa nga ng parents ang meron siya, eh. Kasi si Tita Belle at Tito Rick parang anak na rin ang turing sa kanya. Si Mark, kitang-kita ko mahal niya talaga si Lianne. Kahit parang lagi lang niyang inaasar si Lianne. 'Tapos ikaw..." She paused for a while to take some air, then she continued. "You're her best friend na palagi ring nand'yan para sa kanya. Best friend na nagmamahal sa kanya ng hindi niya alam—"

"Wendy—" pigil ko sana sa kanya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya.

"And I'm pretty sure, she has a lot of friends because she has a nice character." Ngumiti siya. Iyong tipo ng ngiti na mahahalata mo pa ring malungkot siya kapag tinignan mo siya sa mga mata. "Ang swerte niya."

"Shhh..." Inihilig ko ang ulo niya sa dibdib ko. "Akala ko ba, wala dapat Lianne ngayong araw?"

Damang-dama ko talaga ang lungkot niya habang sinasabi niya ang mga iyon. Parang ang bigat-bigat ng mga dinadala niya sa sarili niya. At hindi ko gustong ganoon siya. Parang may kung anong tumutusok sa puso ko.

"Alam mo ba..." patuloy niya pa at mukhang wala siyang balak na magpapigil. "Hindi ko pa nararanasan na makita ang pamilya namin na nabuo. Bata pa lang ako, mga katulong na ang kasama ko sa bahay. Si Dad, laging out of the country dahil sa mga busuness trips niya. Si Mommy naman, laging kasama ni Daddy sa mga business trips. Ayaw niyang pabayaan mag-isa si Daddy kaya lagi kaming dalawa naiiwan ni kuya. Pero umalis din si kuya kasi hindi niya kinaya na sundin lahat ng gusto ni Daddy. Iniwan niya rin ako." Ngumiti na naman siya ng malungkot.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon