Bet Your Heart ♡ Chapter 4

31.1K 348 35
                                    

Chapter Four

Lianne's POV

"Ah, alam mo, gutom lang 'yan. Kumain na lang tayo," sabi ko nang natauhan ako sa pagkabigla sa sinabi niya. Ngumiti pa ako sa kanya at yumuko na ulit ako sa plato ko.

Nababaliw na siya. Tingin niya ba papatulan ko siya?

Hell, no!

Nahawa na yata siya sa pagiging abnormal ng kapatid niya. Oh, well... abnormal din naman talaga siya. Mas malala nga lang ang pagka-abnormal ni Renz.

"Don't tell me, natatakot ka?" tanong niya sa akin and when I looked up again, I saw his sly smile on me.

Parang gusto ko na lang siyang tusukin ng tinidor na hawak ko ngayon para matauhan siya sa mga sinasabi niya! Leche plan! Ganitong nagugutom ako, huwag niya ako binibiro ng ganyan. Dahil baka kainin ko siya ng buhay!

"Natatakot? Sino? Ako ba?" pagmamaang-maangan ko at itinuro ko pa ang sarili ko. "Why would I? You must be kidding! Ha-ha!" Tumawa pa ako ng pilit.

Pero ang totoo, kinakabahan talaga ako sa mga pinagsasabi niya. Like, duh?! Nakakadiri ang gusto niyang mangyari! Kahit kailan hindi ko siya pinangarap na maging boyfriend!

As in, never!

Walang'yang Mark 'to! Kapag hindi pa siya nagtigil sa trip niya, tutusukin ko talaga siya nitong hawak ko na tinidor at iuulam ko siya!

"Natatakot kang ma-in love sa akin," diretsong sabi niya at parang confident nga siyang mai-in love ako sa kanya kung saka-sakali!

Ang kapal lang talaga ng mukha ng lalaking 'to at kasing tigas pa ng adobe!

"No way! In your dreams, Mark!" madiin kong sabi sa kanya.

A-S-A!

"Then, let's try," paghahamon pa niya na para bang nakikipaglaro lang siya sa bata sa mga sinasabi niya. Parang magbabato-bato-pik lang kami.

"And if I don't want to?" nakaingos kong tanong at tinaasan ko pa siya ng kilay.

"It means, natatakot ka nga talaga," pa-cool niyang sagot. Sumandal pa siya sa upuan at nag-cross arms.

Ang cool niya lang talaga tingnan at magiging cool din siguro ako kung papatayin ko na siya ngayon! Para maging malamig na bangkay na siya.

"I am not!" tanggi ko ulit na may diin sa bawat salitang binitawan. Pinipilit kong pakalmahin ang espiritung nagwawala sa katauhan ko pero mukhang trip talaga ako ng lalaking ito ngayon!

"Don't just say it. Prove it," paghahamon niya pa rin sa akin.

"Let me think about it," sabi ko na lang at ibinalik ang tingin sa pagkain ko.

"Okay. I'll wait for your answer until tomorrow."

What the?! Kailangan talaga nagbibigay siya kung hanggang kailan ako pwedeng mag-isip? Parang hindi naman yata tama iyon? Pero para matapos na ang usapan, hindi ko na lang siya kinibo.

Parang tanga lang din kasi dahil kinakabahan talaga ako sa pinag-uusapan namin!

Nakakapeste! Bakit ba kasi ako kinakabahan?! Kung gusto niya ng ganoong laro, edi ibigay sa kanya ang gusto niya! Sanay naman ako makipaglokohan lang sa mga lalake or should I say na magpaasa ng lalake? I'm used to that.

Pero bakit kasi parang kakaiba sa akin ang ganito ngayon? Parang...

Maybe because it's the first time someone really challenge me to play this game of love.

Ah, ewan! Bwisit talaga siya!

Gusto kong ihilamos sa mukha ko ang dalawang palad ko dahil sa frustration at dahil na din sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko ngayon.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon