She Played Her Part ♡ Chapter 18

16.2K 164 51
                                    

Chapter Eighteen

Ejhay's POV

Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay dinala ko siya sa bar kung saan may tugtog ang mga kaibigan ko. Ipapakilala ko siya sa kanila, since ayaw pa naman niyang bumalik sa unit ko.

Like the first time I saw her crying, I don't know what to do. So, I just let her cry and keep my silence. I wanted to ask what happened, but I don't think that's what she needs.

She needs distraction.

Hindi ko man alam ang pinagdadaanan niya ngayon but I want to help on my own little ways. Ibinigay ko ang panyo ko sa kanya kanina dahil naririnig ko ang pigil niyang hikbi. Gusto ko sana siyang yakapin pero baka umiyak lang siya lalo. Alam ko rin na hindi niya gustong makita ko na umiiyak siya.

Inaamin ko na gusto ko talaga si Lianne. I can't deny that. Halata rin naman siguro. And I'm just so lucky to be there whenever she needs me. Pero hanggang doon na lang siguro iyon. She loves her boyfriend and I'm not blind not to see that, but we can still be good friends.

"Hey..." pukaw ko sa atensyon ni Lianne. "It's too early to get drank, lady." Para na kasi siyang umiinom lang ng tubig.

Lumabi siya. "You won't leave me naman if I get drank, 'di ba?"

Oh, she's just so cute. Parang gusto ko na lang kalimutan na hanggang sa magkaibigan lang kami puwede. Mukhang 'yong boyfriend naman niya ang nagpapaiyak sa kanya, which I can't stand.

"Of course," mahina kong sabi at hinawi ko ang buhok na tumakip sa noo niya.

Ngumiti siya. "Thank you, Ejhay."

I could trade anything just to see that smile these days.

"There you are!" Pareho kaming napatingin ni Lianne sa nagsalita. It was JD.

Palapit sila sa table namin ni Lianne. Nakikinita ko na ang mga susunod nilang mga gagawin.

"Woah! With someone tonight..." puna ni JD nang makalapit na sila sa amin.

"Hi! I'm J," pakilala kay Lianne ng naka-black leather jacket na chic boy.

"I'm J!" pakilala rin sa kanya ng naka-black cup na chic boy rin.

"I'm J, too!" pakilala naman ng naka-black jeans. Isa pang chick boy.

"And I'm also J but with a D," pakilala rin ng naka-pink t-shirt, na naiiba sa kanilang apat. He even winked to Lianne.

Sabay-sabay silang nag-abot ng kamay kay Lianne. Napatulala naman siya sa kalokohan ng mga kolokoy na nasa harap niya. Hindi niya alam kung kaninong kamay ang unang aabutin at halatang naguguluhan siya dahil pare-pareho ang pagpapakilala ng mga ito sa kanya maliban ka JD.

Napailing ako. Ganyan sila palagi kapag nagpapakilala sa mga babae. Hindi pa rin talaga nagbabago.

Nabawi na lang nila bigla ang mga kamay nila dahil pinagbabatukan ko sila isa-isa.

"Ayusin niyo pagpapakilala niyo!" utos ko sa kanila.

Napakamot silang lahat sa ulo.

"I'm Jayson." Ang chic boy na naka-leather jacket.

"I'm Jhayron." Ang chic boy na naka-cup.

"I'm JC." Ang chic boy na naka-black jeans.

"I'm Juan Dionicio, JD for short." Ang chic boy na naka-pink. Pinagmamalaki talaga ang mabantot niyang pangalan.

Ngumiti na si Lianne. Parang tuwang-tuwa siya sa apat na unggoy.

"I'm Lianne." Siya naman ngayon ang nag-abot ng kamay.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon