Still Playing ♡ Chapter 27 & 28

12.9K 186 50
                                    

Mark's POV

"Mark?! Mark, get up!"

Napabangon ako sa higaan dahil sa pagtawag ni Papa na may sunud-sunod pang katok sa pinto ng kuwarto ko. Pagkabukas ko ng pintuan, ang kuwarto naman ni Renz kinakatok si Papa. Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari?

"'Pa, bakit po?" tanong ko kasabay ng paglabas ni Renz sa kuwarto niya.

"Lianne and Hannah are missing!" sagot ni Papa.

"Ano po?!" magkasabay naming sabi ni Renz. Pareho kaming nagulat sa narinig.

Magsasalita pa sana si Papa nang lumabas si Mama sa kuwarto nila. "Ricardo, let's go!" aya ni Mama sa kanya at nagmamadali na itong bumaba ng hagdan.

Sumunod naman agad si Papa kay Mama. Pareho naman kaming napapasok ulit ni Renz sa kanya-kanyang kuwarto. Kinuha ko lang ang susi ng kotse ko at cellphone ko. At bago ulit ako lumabas ng kuwarto ko, hinatak ko ang jacket na nakasabit sa likod ng pinto dahil wala akong suot pang-itaas. Sinuot ko 'yun habang nagmamadaling maglakad palabas.

Magkasabay pa kami ni Renz na bumaba na parehong nagbibihis. Nagkakasagian pa kami pero wala na kaming pakialam.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero si Lianne lang ang nasa isip ko.

Argh! Bakit kasi umuwi pa ako? Dapat nagbantay na lang ako sa kanya kahit sa labas lang ng kuwarto niya. Kung alam ko lang na uuwi rin pala itong kapatid ko, sana hindi na ako umalis. Ang akala ko ay magdamag siyang magbabantay ulit kay Lianne katulad nang nakaraang gabi.

"You two, sumabay na kayo sa amin ng Papa niyo." It was our Mom pero parang hindi ko iyon narinig at nagtuluy-tuloy lang ako sa kotse ko.

Si Lianne lang ang iniisip ko. Paanong nawawala sila ni Hannah? Baka naman naglalakad lang sa labas ng ospital dahil naiinip na naman sa kwarto si Lianne? Pero si Hannah ang kasama ni Lianne.

"Mark, please... baka may mangyari kay Lianne kapag hindi ka muna lumayo sa kanya."

Dammit! Kapag may nangyaring masama kay Lianne ay hindi ko siya mapapatawad!

Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse ko at pasakay na sana akonang may pumigil na kamay sa akin.

"You are coming with us! Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo kung ikaw ang mag-da-drive." Hinila na ako ni Mama papunta sa kotse ni Papa.

Hindi na lang ako nakipagtalo pa. hindi ito ang oras para gawin iyon. Sinubukan ko na lang tawagan si Hannah pero unattended ang number niya. Inulit ko pa ng inulit, pero wala pa rin talaga. Gusto ko nang ibato ang cellphone ko s ainis pero napahigpit na lang ang hawak ko roon.

"'Pa, ako na ang magda-drive." Kinuha ni Renz kay Papa ang susi ng kotse.

Pareho silang mukhang natataranta kaya walang salita ko kinuha din kay Renz ang susi at sumakay agad sa drive seat. Nagsisunuran naman agad sila. Si papa umupo sa tabi ko at si Mama at Renz nasa back seat.

I thought I am calm until I tried to insert the car key to its hole. Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukang isuksok iyon at hindi ko magawang ipasok iyon! Nakailang subok ako pero lalo lang lumala ang panginginig ng kamay ko. Natataranta na rin ako kahit pinipilit kong maging kalmado. Walang mangyayari sa amin kung lahat kami ay matataranta.

Pero shit! Natataranta na talaga ako!

Si Lianne...

Bakit ba kasi ganito 'tong sasakyan ni Papa? Ayaw makisama!

"Mark, ano ba?! We're not going anywhere sa ginagawa mo!" sigaw na naman ni Mama. Lumabas siya ng kotse at binuksan ang pinto sa driver's seat. "Get out!" Hinila niya pa ako palabas at siya ang umupo roon.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon