She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26

16.2K 165 58
                                    

Chapter Twenty-Five

Mark's POV

Naakailang tawag na ako kay Lianne, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Siguro busy pa siya sa practice kaya hindi niya masagot ang tawag ko. Okay lang naman siguro kung puntahan ko na siya sa university kahit hindi pa siya nagte-text.

Pagdating ko sa university, sa theater house kaagad ako nagpunta. Ilan na lang ang naabutan ko doon, mga nag-aayos ng mga gamit. At hindi ko nakita ang taong susunduin ko. Nasaan kaya siya?

Isa na lang ang ka-close kong nakita ko, si Xander, kaya sa kanya ako lumapit.

"Xander..." tawag ko sa atensyon niya.

Napalingon naman siya agad. "O, Mark! Long time no see, pare!"

"Have you seen Lianne?" tanong ko na hindi na pinansin ang sinabi niya.

"Ahh... umalis na lang, eh. Naiwan niya nga 'tong bag niya," napapakamot sa ulong sagot niya at itinaas niya ang bag ni Lianne. "Kanina kasi nandito 'yong kapatid niya—"

"Pumunta dito si Hannah?" gulat kong tanong.

Ano namang gagawin ni Hannah dito? Tsk! Hindi ko alam kung naghahanap din ba siya ng away. Alam naman niyang ayaw siyang makita ni Lianne 'tapos nagpunta pa siya dito? Nakakaasar na rin talaga siya. Si Lianne na nga ang lumalayo, lapit naman siya nang lapit.

Hindi ko na pinansin ang mga sumunod na sinabi ni Xander. Kinuha ko na lang iyong bag ni Lianne at iniwan ko na siya. Hindi ko na rin nakuhang magpasalamat pa dahil nag-aalala ako kung nasaan si Lianne.

She must be mad right now.

Sinubukan ko ulit tawagan si Lianne at doon ko nalaman na nasa loob pala ng bag niya ang cellphone niya. Kaya naman pala walang sumasagot. Paano ko ngayon malalaman kung nasaan siya?

Nakisabay kaya siya kay Myleen? Pero bakit niya naman maiiwan ang bag niya?

Wala akong makukuhang sagot sa mga tanong ko kaya dumiretso na lang ako sa unit ni Ejhay. She must have forgotten na susunduin ko siya sa sobrang inis niya.

Pagdating ko naman sa unit, si Qinn at Zideyn lang ang naabutan ko sa loob. Tinanong ko sila kung nakauwi na si Lianne, pero wala pa raw.

Anak ng?! Nasaan na siya?

Lumabas ako ng unit at saka ko tinwagan ang mga kaibigan niya. Una kong tinawagan si Myleen. Sila kasi ang madalas na magkasama.

"Hello—ay ano ba, Harry?!"

Nagulat ako pagkasagot niya. Wrong timing pa yata ako. Mukhang nakakaistorbo sa kanila ng kung sinuman ang kasama niya. Pero dahil naistorbo ko na rin naman sila, itutuloy ko na ang pang-iistorbo.

"Ah... My, I'm sorry for disturbing pero kasama mo ba si Lianne?" tanong ko.

"Ha?! Hindi pa ba siya nakakauwi? Hindi ko siya kasama--argh! Harry Potter, este Harry the pot maker, ano ba?!" 'tapos may narinig akong parang hampas.

Sunud-sunod 'yong paghampas. Napangiwi ako kasi parang ang sakit ng mga hampas na 'yon and at the same time, gusto kong matawa kay Myleen pero hindi ako makatawa dahil hindi ko alam kung nasaan ba ang Lianne ko.

Ang babaeng 'yon talaga! Hindi na nga nagpaalam kung nasaan siya, iniwan pa ang cellphone niya. Pinag-aalala niya na naman ako.

Nagpaalam na ako kay Myleen at sunod kong tinawagan si Tracy at si Faye, pero katulad ni Myleen, hindi rin nila alam kung nasaan si Lianne.

Lalo pa akong kinabahan. Hindi pa naman siya marunong sa daan. Baka naliligaw na siya sa kung saan! Damn! Huwag naman sanang kung anong mangyari sa kanya. Makakapatay talaga ako kapag nagkataon.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon