Bet Your Heart ♡ Chapter 42

18.6K 198 62
                                    

Chapter Forty-Two

Lianne's POV

"Ayoko ngang ibigay 'yan! Ikaw na lang!"

Kung kanina pumayag akong utus-utusan lang ni Renz, ngayon ay hindi na. Ayoko ngang bigyan si Mark ng brownies na ginawa namin. Bakit ko naman gagawin iyon? Baka mag-assume pa siya na para sa kanya talaga iyong ginawa naming napaka sarap na brownies.

Yes, it's delicious and mouth-watering brownies. Aba? Pinagpaguran ko rin iyon with the effort of pagpapaselos kay Mark—as Renz assumed! Pagkatapos namin siyang pagselosin, makikinabang din pala siya sa brownies na nagpaselos sa kanya? Again, as Renz assumed. Edi parang naging peace offering pa iyon!

"Dali na, Best!" pilit pa niya sa akin. "Pangbawi mo lang sa pagpapaselos na ginawa natin sa kanya."

See?! Pang-peace offering nga! Siya nga ang nakaisip na pagselosin iyong kuya niya tapos ako ngayon ang magbibigay ng peace offering?!

Hindi naman yata makatarungan iyon! Parang siya ang may sala pero ako ang pagbabayarin niya!

"Ayoko!" matigas ko pa ring pagtanggi. "Ikaw na lang, tutal ikaw naman nagpaselos sa kanya!"

"Ang sweet ko namang kapatid kung ako ang magbibigay n'yan," sarkastiko niyang sabi.

"Well..." Namaywang ako sa harap niya. "Ang sweet ko rin namang girlfriend kung ako ang magbibigay!" nakairap kong sabi.

Bahala siya! Hinding-hindi ko ibibigay iyon kay Mark kahit anong mangyari, kahit ipaluwa niya pa sa akin ng buo iyong brownies na kinain ko kanina.

"Sige ako na ang magbibigay pero sasabihin ko na ipinapabigay mo 'to at nagpatulong ka pa talagang mag-bake para lang makagawa nito. Na nahihiya ka lang ibigay sa kanya kaya ako na lang ang inutusan mo," sabi ni Renz at ngumisi siya ng malaki bago tumayo at kinuha ang brownies na nasa platito.

Nanlaki ang mga mata ko. "T-teka!" Hinila ko ang laylayan ng t-shirt niya.

Bakit ganoon ang sasabihin niya?! Nababaliw na ba siya?! Edi mas malala ang iisipin ni Mark sa akin? Para niya na ring sinabi na may gusto na ako sa unggoy na iyon!

No way!

Lumingon siya sa akin with his ever-dazzling smile. Kabanas lang ang napaka-cute niyang ngiti na kinababaliwan ng mga babaeng tanga.

"Ikaw na ang magbibigay nito?" tanong niya motioning the brownies.

Buwisit! Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kaysa naman kung anu-ano pa ang sabihin niya kay Mark!

Kinuha ko na iyon sa kanya kahit labag talaga sa loob ko. This is unfair! Pagkatapos niyang pagselosin si Mark, ako ang aamo? He's so mean to me!

"Dali, ibigay mo na," he sounded so excited. Itinulak pa niya ako paakyat ng hagdan.

"Oo na! Oo na!" naiinis kong sabi. "Hindi mo na ako kailangang itulak, okay?!"

Kainis! Kung siya kaya ang itulak ko? Pero kung gagawin ko man iyon, gusto ko pababa ng hagdan ko siya itutulak! Para siguradong gugulong siya pababa.

"Dali na kasi," udyok pa niya at nagpatuloy pa rin sa pagtulak sa akin paakyat. "Pakipot ka pa, gusto mo rin naman."

"Anong gusto?! Ikaw—"

"Come on, Best... you don't have to explain. I understand."

What the?! Hindi na lang ako nagsalita dahil mas magmumukha lang akong guilty at hindi kami matatapos kung walang titigil sa pakikipag-argumento.

Hanggang sa makarating kami sa taas at tumapat sa kuwarto ni Mark ay tulak-tulak niya ako. Feeling ko tuloy, disabled ako.

"Tulog muna ako, ha?" paalam na niya. "Kaya mo 'yan!" He tapped me on my shoulder then pumasok na siya sa kuwarto niya.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon