Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35

20.2K 184 27
                                    

Chapter Thirty-Four

Mark's POV

"Edi, pinatutunayan na mahal talaga kita," I uttered out all of the sudden.

Natigilan siya at tumitig sa akin na parang sinusukat kung totoo ang sinabi ko. Hindi ganito ang pinlano kong pag-amin sa kanya. Gusto ko, iyong romatic. May paghahanda katulad ng ginawa namin ni Mama noong nakaraan na hindi naman napakinabangan. Kahit na parang napaka-cheesy.

Pero wala na, nasabi ko na. And I felt like this is just the right time and the right place to tell her. Ang problema ko na lang ay kung paano ko siya paniniwalain doon.

For sure, ang pagpapatunay ay mas mahirap pa sa pag-amin. Dahil ang pag-amin ko ay simula pa lang. I have to work hard to have her and her heart for real.

"Ate Lianne!"

Sabay kaming napalingon ni Lianne sa batang may matinis na boses na tumawag sa kanya na kulang na lang ay buong barangay ang makarinig sa kanya. Nabasag na yata ang eardrums ko sa lakas at tinis ng boses na iyon! Parang ang lapit-lapit lang sa tenga ko ng bibig ng sumigaw. Ang sakit talaga sa tenga! Kung makatili, parang wala ng bukas! Mga babae talaga ang lalakas ng boses. Akala mo pinakain ng amplifier!

Nakita kong tumatakbo palapit sa amin ang batang si... sino nga ba ang bata na ito? Hindi kasi katanda-tanda ang pangalan niya. Siya lang naman kasi ang sumira ng date namin ni Lianne noong nakaraan! Siya iyong kasama ni Lianne nang makita ko sila pagkatapos ko ikutin ang buong park sa paghahanap. Siya rin ang dahilan kung bakit ako nakalimutang balikan ni Lianne nang iwan niya ako para daw bilhan ako ng ice cream. At malamang sa malamang, siya rin ang kumain ng ice cream na dapat ay para sa akin.

Hindi naman sa sabik ako sa ice cream, pero kasi, si Lianne ang bumili niyon at nag-effort para lang magkaayos kami. Pero wala... wala akong nakain.

May dala-dala siyang bola ng volleyball at naka-sportswear din. Mukhang maglalaro siya.

"Ate Lianne!" hinihingal niyang tawag ulit sa mababa ng tinig nang makalapit siya sa amin. "'Buti naman nadaan ka ulit dito sa park." Halata ang tuwa sa cute niyang mukha

"Ah..." Ngumiti ng parang pilit si Lianne sa bata. "Bored na kasi ako sa bahay, eh."

Lumingon pa si Lianne sa akin pero nag-iwas naman ako ng tingin. Iyong tingin niya kasi ay parang nagtatanong na parang confused o kung ano pa man na hindi ko alam.

"Tara, Ate Lianne, laro tayo ng volleyball," aya ng batang hindi ko pa din maalala ang pangalan hanggang ngayon.

"Sige," narinig kong sagot ni Lianne.

Ay anak ng! Napabalik ang tingin ko sa kanya. Bakit pumayag siya? Paano na naman ako nito? Tutunganga lang ako rito at maghihintay lang na matapos silang maglaro? Tsaka hindi pa kami tapos mag-usap.

Ano ba naman itong bata na ito? Sakit sa ulo. Kapag naglaro pa naman si Lianne ng volleyball parang ayaw nang tumigil. Ito kasi ang sports niya. Varsity siya noong high school sa volleyball. Natigil lang siyang maglaro nang mag-college na dahil hindi na siya pinayagan ni Tito Ed. Para daw makapag-concentrate siya sa pag-aaral.

"Kuya Mark, gusto mong sumali?" baling naman ng bata sa akin.

"Sure," napapakamot sa ulo kong sagot.

Makikisali na lang ako kays tumunganga lang at sundan nang sundan ang talsik ng bola kung saan-saan. Marunong din naman akong maglaro nito kahit papaano.

"Yehey!" Nagtatalon pa ang bata na akala mo binigyan ng kendi.

"Tsss! Panira ng moment," bulong ko sa sarili.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon