She Played Her Part ♡ Chapter 9

17.4K 172 49
                                    

Chapter Nine

Lianne's POV

Wake up, Lianne...

May pasok na ako kaya maaga akong nagising. But waking up is one and getting up is another. Napaka hirap bumangon ng maaga dahil hindi na ako sanay. Pero siyempre kailangan kong pilitin ang sarili ko.

I shouldn't be this lazy because I really want to go back to school. Pero hindi pa kasi umuuwi si Daddy. Iyon ang isa pa sa nagpapatamad sa akin ngayong araw. Ang sabi niya, kahapon ang uwi niya. Pero nang makausap ko siya kagabi, nagkaroon daw ng problema na naman kaya kailangan niya pang mag-stay. At ang sabi pa niya, ngayong araw raw talaga siya uuwi kaya parang ayaw kong pumasok. Pero sana lang talaga umuwi na siya! Kasi kapag hindi pa siya umuwi, ako na mismo ang susundo sa kanya sa Singapore!

I'm missing him so much these past days, pero mabuti na lang ay araw-araw akong pinapakilig ni Mark kaya hindi ko napapansin na sobrang busy ni Daddy.

Napangiti ako nang maalala ko ang boyfriend kong may hot abs at parang nagising na rin ang ulirat ko. Ano naman kaya ang gagawin niya ngayong araw? Will he sing a song for me over the phone again during his break time?

May excitement na bumangon na ako at dumiretso ng bathroom. Pagpasok ko, may napansin kaagad akong flower sa harap ng mirror.

Flower na naman? Wala bang kasawaan si Mark sa flowers? Kasi ako hindi nagsasawa! Basta sa kanya galling...

Kinuha ko iyon at as usual, may note iyon na kasama.

Bittersweet flower means truth.

Let's know the truth, not only by reason,

but also by the heart.

- Your Mark

Naipilig ko ang ulo nang mabasa ko iyon. Bakit parang hindi nakakakilig ang nakasulat ngayon sa note? Nagtataka man ay ibinalik ko na lang iyon sa baso na may tubig kung saan ko iyon kinuha.

I'll be late if I take time thinking about its meaning. Mamaya siguro ay tatawagan naman ako ni Mark.

Mabilis na akong kumilos para hindi ako ma-late.

∞∞∞

Five minutes late ako! Mabuti na lang, wala pang professor. Kaya nakahinga naman ako ng maluwag. I've never been late on the first day of school! Ngayon pa lang... oh, well, there's always first time.

Umupo na ako sa upaan ko na may matamis na ngaiti. Aba? Sino hindi tatamis ang ngiti kung ang seatmate mo ay napaka guwapo at may dimples? Kung dati-rati ay si Myleen ang palaging katabi ko sa duluhang mga upuan dahil naka-alphabetical order ang seat namin, ngayon ay si Ejhay na! Pareho silang Zerna ang apelyido at ako naman ay Velozo.

Kaklase namin siya sa dalawang subjects tuwing TTh at isang subject naman kapag MWF. Since transferee siya from the main campus, naging irregular student siya dahil may mga minor subjects siyang naiwan pa at may mga natapos naman siya ng advance. At dahil pareho namang business ang courses namin, may mga subject siyang kapareho ng sa amin.

Friends na rin talaga kami ni Ejhay at wala na akong problema sa ngiti niya. Immune na ako sa nang-aakit niyang ngiti!

"Oy, Bruh! Late ka na naman," sita sa akin ni Myleen pagkaupo ko pa lang. Akala mo naman, hindi siya madalas na late!

"Wala pa namang prof," nakangiti kong sabi. Well, iyan din and dahilan niya sa akin kapag late siya at wala pang prof, kaya ginaya ko lang! It's not everyday naman na late ako at once in a blue lang din talaga mangyari.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon