Bet Your Heart ♡ Chapter 28

21K 213 24
                                    

Chapter Twenty-Eight

Lianne's POV

Three days na ang nakakalipas simula nang makalabas ako sa ospital. Noong gabing umalis sila Mommy, kinabukasan ay umuwi na rin kami ni Mark. Oo, kaming dalawa lang dahil busy ang lahat ng tao at wala silang pakialam sa akin.

Ang sad lang. Wala silang pakialam sa ganda ko. At ang pinaka sad... si Mark lang ang nagtiyagang bantayan ako. Wala na bang ibang nagmamahal sa akin? Si Mark na lang? Nakakalungkot talaga kung siya na lang dahil hindi naman totoo iyong pagmamahal niya sa akin. He's just playing with me.

Ang sakit. Sobrang sakit!

Ay, joke! Ano ba itong dinadrama ko? Para akong timang. Hay... siguro minsan kailangan din talaga magdrama ng magagandang katulad ko.

Hindi ako dumiretso sa bahay dahil nga wala ang parents ko at ang bilin ni Mommy ay kila Tita Belle na muna ako mag-stay para may makasama ako habang wala sila ni Daddy. Alam kasi ni Mommy na ayokong katulong lang ang kasama sa bahay.

Nakakatampo pa rin na mas inuna nila ang kung anumang business trip na pinuntahan nila kaysa sa akin. Unang beses pa lang nila itong ginawa. Dati, ako ang una sa listahan nila at kahit ano pang mga bagay ang kailangan gawin ay mas inuuna pa rin nila ako kahit na anong mangyari. Dahil noon, ako ang pinaka importante sa lahat.

Ano'ng nangyari ngayon at biglang nag-iba ang ihip ng hangin? Napabuntong-hininga ako sa isiping iyon.

Whatever! Tama na ang kadramahan, Lianne. Tingin siguro nila ay malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo kaya hinahayaan ka na nila. Hindi ka na batang paslit na kailangan nilang alagaan parati. Malaki ka na in the sense na marunong ka nang mabuhay mag-isa at malaki ka na kahit hindi na nadagdagan ang height mo simula third year high school!

Three days na rin akong nagtitiis sa kasungitan ni Renz at sa kakulitan ni Mark. Ewan ko nga kung ano'ng nangyayari sa bestfriend ko at sobrang sungit niya talaga. Daig pa ang babaeng may PMS o nasa menopausal stage. Ilang beses ako nag-attempt na kausapin siya pero sa lahat ng attempt na iyon kung hindi niya ako iisnabin, pagalit niya akong kakausapin. At itong Mark naman ay hindi na napagod sa pang-iinis at pangbubuwisit sa akin.

Nakakasama na nga ng loob iyong best friend kong nasa menopausal stage, dumagdag pa ang boyfriend kong ubod ng kulit! Ano bang ginawa ko para maging ganito ang life sa akin? Nakakasama ng loob dahil hindi ako makangiti ng kahit kaunti man lang nitong mga nakaraang araw. Feeling ko pumapangit na ako.

At heto tuloy ako ngayon sa bintana ng kuwarto ko na nakatanaw lang kay Renz habang nakaupo na naman siya sa swing ng garden. Diyan na ang tambayan niya dito sa bahay nila simula ng magkaganyan siya. Palaging tahimik lang at malalim ang iniisip. Parang ang laki ng problemang dinadala at wala ng solusyon pa.

Ayoko na siyang lapitan dahil nga ilang beses ko nang ginawa iyon pero wala akong napala. Pero, ano ba? Hindi ako makakatiis na ganyan siya at lalong hindi ako makakatiis na hindi niya ako pinapansin dahil maganda ako! Isa pa, best friend ko pa rin naman siya kahit may PMS siya these days. Kung may problema siya, kailangan ko siyang tulungan, 'di ba?

Bumaba ako at pinuntahan siya sa garden habang nananalangin na sana lang ay hindi niya na ako i-ignore this time.

Dahil kapag hindi na naman niya ako pinansin...

I sighed.

... edi hindi niya pa rin ako pinansin!

Mukhang hindi na naman niya naramdaman ang paglapit ko katulad noong nakaraan. At medyo kinakabahan ako na baka sungitan na naman niya ako. Pero kailangan ko pa rin itong gawin kahit ilang beses niya pa akong sungitan. Baka kasi bigla ko na lang siyang makita na naglalaslas sa isang sulok or worst nakabigti dahil hindi niya kinaya ang problema niya.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now