She Played Her Part ♡ Chapter 2

18K 192 37
                                    

Chapter Two

Lianne's POV

"Dad, aalis na naman kayo bukas? Kakauwi niyo lang, ah. Wala pa nga kayong one week dito sa bahay," nagtatampong reklamo ko kay Daddy.

Aalis na naman daw kasi siya bukas papuntang Singapore. Puro trabaho na lang ang inaatupag niya. Pati 'yong telepono rito sa bahay hindi na natatahimik sa kakatawag ng kung sinu-sino galing ibang bansa. Bakit kailangan pang nandoon siya kung puwede namang makipag communicate through phone?

Malapit lang naman ang Singapore pero siyempre hindi naman puwedeng umuwi araw-araw si daddy dahil magastos na nga, nakakapagod pa.

Okay, I know I'm acting like a child. Pero... ugh! Nakakainis talaga!

"Princess, I'm sorry but I really have to go and be there and stay for quite sometime," my Dad said in apologetic tone.

Tiningnan ko si Mommy na parang nagpapatulong para pigilan sa pag-alis si daddy.

"Anak, sandali lang naman doon ang Daddy mo," sabi ni Mommy na lalong ikinadismaya ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Akala ko tutulungan ako ni mommy pero kahit siya parang nasanay na lang sa working schedules ni Daddy na hindi maintindihan. Bigla-bigla na lang kasi siyang umaalis minsan.

Hindi na ako nagsalita at tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Nakita kong nagtinginan silang dalawa.

"Lianne..." tawag sa akin ni daddy.

I stopped for a second. "Yes, Dad... it's fine. I should be used to it by now," hindi lumilingong sabi ko at naglakad na ulit ako palabas ng bahay.

Pumunta na lang ako sa kabilang bahay dahil ang sama talaga ng loob ko. Hay... gusto ko lang naman magpahinga kahit saglit sa work si Daddy and I want him to spend some time with us. Malapit na rin naman magpasukan at magiging busy na rin ulit ako sa school. Sana isinabay niya na lang sa pagpasok ko ang alis niya para makapag-bonding muna kami ngayon.

Nang makapasok ako sa gate ng mga Lopez, nakita ko agad si Mark sa tabi ng puno ng mangga nila. Nakaupo lang siya sa damuhan habang tumutugtog ng gitara at sinasabayan iyon ng pagkanta.

Napatigil siya sa ginagawa nang maramdamang may nakatingin sa kanya. Nang iangat niya ang mukha niya ay nagtama ang nga tingin namin.

He automatically smiled upon seeing me. Ngiting tumunaw na naman sa puso ko pero hindi sa nararamdaman kong tampo sa parents ko. I didn't smile back. I just continued walking towards his place, then I sat in front him.

"Bakit nakasimangot ang Babe ko?" kunot-noong tanong niya habang inilalagay sa isang gilid niya ang gitarang hawak.

"Wala," sagot ko at lalo pa akong sumimangot.

Mas kumunot pa ang noo miya. "Anong wala? Eh, nanghahaba kaya 'yang nguso mo." At idinikit niya pa ang hintuturo niya sa labi ko.

Why don't you just kiss me? I nearly uttered out. But I remained silent, instead. Niyakap ko na lang ang mga binti ko at ipinatong ang baba ko sa tuhod ko.

I heard him sigh at kinuha niya ulit ang gitara na itinabi niya kanina.

"I'll just sing you a song," sabi niya at pinisil niya pa ang pisngi ko.

Yumuko siya sa gitara at nag-umpisa siyang mag-strum. Pamilyar ang tunog sa pandinig ko pero hindi ko maalala kung anong kanta iyon. Nang iangat niya ulit ang tingin sa akin ay kinindatan niya pa ako saka nag-umpisang kumanta.

"There's no more waiting... Holding out for love..."

Sa mga unang lines na iyon ng kanta ay parang may naramdaman na akong pagkibot sa dibdib ko at nakalimutan ko agad kung bakit nga ba ako nandito. Bakit ganoon? Hindi ko alam kung nakakakilig ang lyrics ng kinakanta niya o iyong boses niya. O baka naman dahil sa klase ng tingin niya sa akin ngayon? O baka naman dahil sa lahat ng iyon?

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon