Bet Your Heart ♡ Chapter 32

20.5K 191 58
                                    

Chapter Thirty-Two

Lianne's POV

Good morning!

Umaga na naman at walang kasing ganda ang umaga ko dahil tumingin agad ako sa salamin at nakita ko ang maganda kong mukha. Ayan ang trip ko sa umaga para maging good mood ako. Kahit pa mag morning glory pa ako sa mga mata o mapa ng Pilipinas sa paligid ng labi ko.

Well, appreciating yourself at the beginning of your day will make you confident about yourself. Pangpataas ng self-esteem, kumbaga. Sino pa ba naman kasi ang makaka-appreciate sa sarili mo ng bonggang-bongga maliban sa nanay mo? Edi ang sarili mo lang din.

Naghilamos lang ako at nag-tooth brush. Mamaya pa ako maliligo dahil wala pang laman ang tiyan ko na kahit man lang mainit na kape o anumang mainit. Baka sikmurahin ako kapag naligo agad ako.

Natapos agad ang kagandahan ng araw ko pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ko para sana bumaba dahil bumungad agad sa akin ang mukha ng best friend kong bugnutin. Tingnan niyo nga naman ang pagkakataon! Magkatapat kasi ang pinto ng kuwarto namin at nagkasabay pa kaming lumabas.

Pareho kaming napahinto at nagkatinginan. Magulo pa ang buhok niya at nakasando't boxer shorts lang siya. Ang hunk na sana ng best friend ko sa paningin ko kung hindi lang niya ako sinusupladuhan nitong mga nakaraan. At kung hindi lang siya galit sa akin ngayon ay baka kanina ko pa siya inasar nang inasar hanggang sa magpagulong-gulong kami pababa ng hagdan.

Ang kaso ay hindi...

Nauna siyang nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa paglakad pababa ng hagdan. Habang ako naman ay nakasunod lang ang tingin sa likod niya.

Buwisit talaga! Kung itulak ko kaya siya sa hagdan nang mabagok ang ulo niya at nang matauhan na siya?!

Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka ako bumaba. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko roon na nag-aalmusal na si Mark. Siya lang mag-isa. Hindi ko alam kung saan dumiretso si Renz. Siguro nasa garden na naman iyon. Kahit sa pagkain ay iniiwasan niya talaga akong kasabay.

Ngumuso ako at suminghot na parang bata. Ang aga-aga, pinapalungkot ako ng kumag na 'yon!

Napatingin naman sa akin si Mark. "O, ang aga-aga nanghahaba 'yang nguso mo, Babe?" puna niya.

Hindi ko siya pinansin. Pagaganahin ko si Dedma Queen sa katawan ko ngayong araw. Grabe lang kasi, ang ganda ng umaga ko tapos nasira agad sa hindi pagpansin sa akin ni Renz. So, to compensate to his action, idi-displace ko na lang sa ibang tao ang inis ko.

Umupo ako sa puwestong nakalaan talaga para sa akin. Idadaan ko na lang din ito sa kain. Baka sakaling maging okay ako kapag nabusog ako. Naglagay ako sa plato ko ng omelet, hotdogs, meat loaf, ham, bread loaf, fried rice at lahat na ng makita kong pagkain na nakahain ay inilagay ko sa pinggan ko.

"Woah! Ayaw mong kumain, Babe?" puna na naman ni Mark habang nakatingin sa plato ko, like as if, ngayon niya lang ako nakitang ganito karami kumain.

Huwag niya akong pinagkakakausap ngayon, kung ayaw niyang pati siya ay kainin ko dahil mas yummy siya sa mga pagkaing nasa harapan namin. Pero siyempre, joke lang na kakainin ko siya. Baka masira pa tiyan ko at madala ulit ako sa ospital kapag kinain ko siya. At isa pa, sure ako na makunat na 'yang si Mark!

Inuulit ko... hindi siya yummy. Pogi lang, pogi. Okay?

Ewan. Para lang akong timang. Pagkatapos ko siyang lait-laitin, pupurihin ko rin pala. Tssss! Tama na nga! Hindi dapat pinagpapaliban ang pagkain sa pagde-decide kung kung yummy ba siya o pogi or both.

Nagsimula na lang akong kumain. Unang subo ko pa lang ay magrereklamo na agad ang bibig ko na nabanat dahil sa dami ng nasa kutsara ko.

"Pini-PMS ka na naman ba, Babe?" tanong niya pa. "Pero, 'di ba, after two weeks ka pa ulit magkakaro'n?"

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now