Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22

13.9K 172 34
                                    

Chapter Twenty

Lianne's POV

"Manong, pakibaba mo ako sa tapat ng gate nila Tita Belle, please..." sabi ko kay Mang Amboy.

"Sige po."

May kailangan kasi akong ipagawa kay Renz at dahil kailangan ko pa siyang pilitin para gawin ang ipapagawa ko, ngayon pa lang kukulitin ko na siya. Malamang na mag-iinarte pa kasi siya.

Inihinto nga ni manong ang sasakyan sa tapat ng gate nila Tita Belle. Kumuha muna ako ng lapis at papel bago bumaba at dumiretso papasok sa bahay nila. Bukas kasi ang gate pati na rin ang front door. Hindi ko alam kung gusto ba nilang manakawan or what. Pero hayaan na lang. Maaga pa naman para may magtangkang pumuslit. Isa pa, si Mark lang naman ang akyat-bahay dito sa villa namin.

Those nights he climbed to my window... ugh... stop!

Nagtuluy-tuloy lang ako sa paglalakad pero bago pa ako makalagpas sa sala, napansin kong natutulog si Mark sa sofa. Pero ewan ko kung natutulog talaga siya. Kasi naman nakangiti siya. Nakangiti habang yakap ang isang throw pillow at may nakasaksak sa magkabilang tainga niya na earphone na nakakabit sa cellphone niyang nakapatong sa dibdib niya. Parang ewan lang din siya pero ang cute niya lang.

I don't know but after we talk that night of his birthday, parang naging magaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil hindi ko na siya kailangan iwasan o anupaman, dahil siya na ang kusang lumayo talaga. About him and ate Hannah, I don't know. Dahil hindi naman ako madalas umuwi, hindi ko alam ang mga nangyayari. At ayoko na rin munang malaman ang kahit ano sa kanila.

Kahit naman I feel fine right now, iba pa rin kapag nakarinig ako ng tungkol sa kanila or makita ko silang magkasama. It's just been a week and I'm not expecting myself to move on that fast. But I'll be okay whatever happens. I will be okay and that's a promise.

Lumapit ako sa sofa na hinihigaan niya at tiningnan ko siya ng mabuti. Baka kasi nagtutulug-tulugan lang siya. Or baka may kausap talaga siya sa phone. But he breathes evenly at mukhang tulog nga siya. Pero para makasigurado, sinundot ko ang pisngi niya.

He moved. Kinamot niya ang parteng sinundot ko at nawala na ang ngiti niya. Napasimangot ako. Siguro subconsciously, alam niyang ako ang nang-iistorbo sa kanya kaya sumimangot siya.

Itinuloy ko na lang ang pag-akyat sa taas para puntahan na si Renz sa kuwarto niya. Hindi na ako nag-abalang kumatok sa pinto. Basta pumasok na lang ako. I was expecting na makikita ko siyang nakahilata sa kama niya at natutulog pero wala siya.

Nasaan naman kaya ang kumag na iyon?

Lumapit ako sa pinto ng bathroom para i-check kung nasa loob siya. Idinikit ko pa ang tainga ko sa pinto para marinig kung may tao ba sa loob. Wala rin akong narinig na kahit anong ingay mula sa loob. Pero hindi pa rin ako sure kung wala talaga siya doon. Baka kasi natutulog na naman siya sa bathtub. And take note, hindi siya nagla-lock ng pinto ng bathroom. Kaya delikado. Hindi ko puwedeng buksan na lang basta-basta itong pinto.

Baka mabinyagan mga mata ko ng wala sa oras at ng maling tao! Okay... kailangan ba tamang tao ang buminyag sa mga mata ko?

At dahil nga hindi ako sure kung wala nga si Renz sa loob, kinalampag ko na lang ang pinto. Yep! Hindi lang basta katok ang ginawa ko kundi kalampag.

"Renz!" sigaw ko pa. Ewan ko na lang kung hindi siya magising kung natutulog man siya sa loob.

Wala pa rin akong narinig kahit kaunting kaluskos mula sa loob kaya kinalampag ko ulit ang pinto ng banyo kasabay ng pagsigaw ko.

"Renz! May sunog! Pahinging tubig!"

Ang baliw ko lang talaga! Ni hindi ko nga alam kung nasa loob ba siya tapos kung anu-ano ang sinisigaw ko dito. Baka ang kapit-bahay pa ang mabulabog ko sa ginagawa ko! Pero bahala na... malakas ang pakiramdam kong nasa loob ng CR si Renz! Kaya hindi ako aalis dito hangga't hindi siya lumalabas!

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon