Bet Your Heart ♡ Chapter 12

25.6K 254 36
                                    

Chapter Twelve

Lianne's POV

Alas-quatro na ng hapon at heto ako... nakakulong lang sa kuwarto ko. Habang sila naman ay hindi ko kung saan-saan sila nagpunta ngayong araw. Hindi ako sumama kasi tinatamad ako at ayoko rin talagang kasama si Mark. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

Hay... kung alam ko lang na magiging ganito ka-disaster ang bakasyon namin ay hindi na lang sana kami nagbakasyon. Kaya nga ako nandito para mawala ang stress ko sa nagdaang semester, eh. Pero ano ang napala ko ngayon? Mas malalang stess lang dahil kay Mark.

Medyo bored na din ako sa loob ng kuwarto ko kaya mas mabuti siguro kung lumabas naman ako.

Nagpalit muna ako ng damit pangligo sa dagat bago ako lumabas sa lungga ko. Para kung sakaling maisipan kong maligo sa dagat ay ready ako.

Naglalakad-lakad lang ako sa labas habang inaaliw-aliw ko ang sarili sa mga nakikita ko sa paligid. Mas okay na itong ginagawa ko, kaysa mabaliw na naman ako kakaisip ng kung anu-ano sa loob ng kuwarto ko. Baka pumangit pa ako kung si Mark ang palaging nasa isip ko.

Nang mapagod ako sa kakalakad, naupo ako sa buhanginan paharap sa dagat. At naisipan kong hintayin na lang ang paglubog ng araw.

This is also what I love here in Boracay, sobrang ganda ng sunset. Noong una kong makita iyon, nasabi ko agad sa sarili ko na ang unang lalaking makakasama kong manood ng sunset dito, siya ang soulmate ko at gusto kong makakasama habang-buhay.

I know, it sounds corny, pero walang basagan ng trip. Iyon talaga ang gusto kong mangyari. Ang romantic kaya kapag ganoon.

I smiled with those thought.

Habang naghihintay ako sa pagbaba ng araw, sulat lang ako nang sulat ng pangalan ko sa buhangin hanggang sa kung saan naaabot ng daliri ko. Walang magawa, eh.

Maya-maya pa, nagkukulay pula na ang langit, meaning nag-i-start nang bumaba ang araw.

Namamanghang nakatingin lang ako doon.

Ang ganda talaga at parang kahit napakasimple lang ng tanawin na iyon, naa-amaze ako sa ganda. Hindi ko unang beses nakita iyon pero wala yatang pagkakaiba ang reaksyon ko ngayon sa unang beses. At sa sobrang pagka-amaze ko sa paglubog ng araw, hindi ko na namalayang may lumapit na pala sa akin.

"You really love the sunset here," tinig ng lalake na nagpalingon sa akin.

Nakita ko si Mark na nakatayo hindi kalayuan sa inuupuan ko. Naglakad siya palapit sa akin at umupo din sa tabi ko. Nakatingin lang siya sa sunset. Ngayon ko lang siya nakita ngayong araw dahil nga iniiwasan ko siya at iniiwasan ko ding sumakit ang ulo ko ng dahil sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na halatang hindi ko siya gustong makita.

"Bakit? Masama bang manood din ako ng sunset dito?" tanong niya din sa tonong nang-aasar na ewan. "Nabili mo na ba 'to at bawal akong magpunta dito?" dagdag niya pa na may nakakalokong ngiti.

I just rolled my eyeballs heavenwards at ibinalik 'yong tingin sa sunset. Hindi ko na siya sinagot. Nag-uumpisa na naman kasing sumakit ang ulo ko dahil sa kanya.

I heard him chuckle. Nagulat na lang ako nang akbayan niya ako at pisilin ang kaliwang pisngi ko.

"Ang cute-cute mo talaga kapag naasar!" nanggigigil niyang sabi habang hindi pa din inaalis pagkakakurot ng kamay niya sa pisngi ko.

"H-hoy, ano ba?! Masaki—aray!" angal ko habang pilit na inaalis ang kamay niya at iniiwas ang mukha ko.

Tawa naman siya ng tawa. Tuwang-tuwa talaga ang loko na nasasaktan ako.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon