She Played Her Part ♡ Chapter 1

18.5K 196 37
                                    

Chapter One

Lianne's POV

Nanonood kami ng movie ngayon ni Mark at kasama namin si Renz. Sobrang boring kasi! Kaya kahit hindi naman ako mahilig manood, napilitan na lang akong manood.

Romance ang pinapanood namin. Ewan ko nga kung paano ko sila napapayag na iyon ang panoorin. Usually, ayaw ng mga lalaki ng ganyang movie, 'di ba? Mas gusto nila madalas ang horror, action or comedy.

Pero sa totoo lang, ayaw ko rin naman ng pinapanood namin at medyo bored pa rin ako sa kakornihan ng mga bida. Naguwapuhan lang talaga ako sa leading man at nasa kanya lang ang atensyon at hindi talaga sa kuwento.

Isa pang dahilan ng kawalan ko ng atensyon doon sa movie ay ang pagkakadikit namin masyado ni Mark. Nakaakbay na nga siya sa akin, nakapulupot pa ang isa niyang braso sa baywang ko. Parang mawawala na lang ako bigla sa tabi niya kung makakapit!

At idagdag pa ang nakakairitang pagmumura ni Renz sa tuwing titingin siya sa cellphone niya. Kung anuman ang problema niya sa buhay, malamang involve doon si Wendy. Hinihintay niya sigurong tawagan siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Ewan ko kung bakit ayaw niyang tawagan na lang si Wendy. Baka namumulubi sa load.

Nang mapatingin ulit ako sa screen ng TV ay nanlaki na lang ang mga mata ko.

Shit! May love scene pala sa napili kong movie! Napaka wholesome ng movie cover tapos may ganito pala?!

Napaiwas ako ng tingin sa TV. Ayokong mabahiran ng kahit anong kahalayan ang basal kong mga mata! Exclusive lang para sa abs ni Mark ang mga mata ko!

Naramdaman kong humigpit pa ang yakap sa akin ni Mark and I also felt his warm breath on my shoulder.

"You should watch," bulong niya sa akin. "Para alam mo na ang gagawin kapag tayo na ang gagawa n'yan."

Nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa kilabot. Pero hindi ko pinanaig ang kilabot dahil ang pervert na naman niya!

I pushed him away. "Sapakin kaya kita?!" singhal ko sa kanya.

"Rule number thirteen," sabi niya na parang nagpapaalala.

Eh? Ano namang kinalaman ng rule number thirteen ngayon? At ano nga ba ang thirteenth rule?

I looked at him puzzled.

"Stay sweet," sagot niya sa nalilito kong ekspresyon.

Na-gets ko na kaya binatukan ko siya.

"Ouch!" reklamo niya.

"Kailan pa naging pagiging sweet ang pagiging pervert?!" I asked him, shouting.

Walang hiyang lalaki 'to... duma-the moves lang pala, idadamay pa ang mga rules namin. Dapat pala may rule din kaming 'Never be a pervert!'

"Sorry na. Joke lang, eh..." malambing niyang sabi at niyakap niya ulit ako.

Umalis naman agad ako sa pagkakayakap niya at tumalikod ako sa kanya. Nang tumingin ulit ako sa ulit sa TV ay hindi pa rin tapos ang love scene.

Bakit ang tagal?!

"Rule number five," sabi na naman ni Mark. "When we had fight, don't let the day passed without reconciling and forget about pride."

"Hindi pa naman natatapos ang araw. Mamaya na tayo magbati kapag malapit nang matapos," I said without looking at him

Napatingin ako kay Renz. Tutok na tutok ang loko sa screen ng TV. Mga lalaki talaga ang perv masyado. Katulad rin nitong boyfriend ko na nakayakap na naman sa akin at ipinatong pa ang baba sa balikat ko. Hindi niya ba alam na nakakakiliti 'yong mainit niyang hininga?!

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon