Bet Your Heart ♡ Chapter 11

27.8K 251 32
                                    

Chapter Eleven

Lianne's POV

Dalawang araw pa lang kami dito sa Boracay pero parang ang dami ng nangyari.

Nakipag-deal si Mark na maging girlfriend niya ako for two months at kapag hindi ako pumayag, ibig-sabihin ay takot akong ma-in love sa kanya, which is, sa tingin ko ay super labong mangyari. Parang naghihintay ka lang na pumuti ang uwak at umitim ang tagak. Sobrang imposible!

At heto naman ako, ayaw magpatalo sa kanya. Kahit na parang hindi naman ako directly na nag-agree sa deal na iyon, parang nag-agree na rin ko kasi nga ayaw kong magpatalo. What the hell, 'di ba? Ang gulo ko talaga magpaliwanag!

Then nahulog ako sa hagdan bago pa ako makapanhik sa bangka, ang tanga ko talaga ng mga sandaling iyon, last step na lang saka pa ako nadulas! Pero kasalanan talaga ni Mark ang lahat! Masyadong binulabog ng deal niya ang buong pagkatao ko!

Ang mas masaklap pa kaysa sa pagkahulog ko sa hagdan, nagkaroon ako ng first kiss ng wala sa oras! Bakit kasi nagpatangay na naman ako sa deal ni Mark na ubusin 'yong limang baso ng alak kagabi?! Hindi ko na nga naubos, pagkatapos, eengot-engot pa ako na hinalik siya!

Siya tuloy naging first kiss ko. Pweh!

Pero ang mas nakakahiya pa at hindi ko talaga makakalimutan ay nang makita kami ni Daddy sa kuwarto ko and it happened when Mark was about to kiss me at inakala ni Daddy na may gagawin kaming kung ano!

At dahil doon, the worst happened to me on this vacation was nagkaroon ako ng fiancé! Fiancé that happened to be Mark, the ultra-mega super baliw na lalakeng epal sa buhay ko!

But aside from those kamalasan, may nangyari rin namang maganda at iyon ang nakilala ko si dimpled Ejhay. I smiled with the thought of him. Ang Mr. Dimple ng buhay ko. Sana naging dimple na lang siya.

Pero sinira rin ni Mark ang moment namin! Hinila niya na lang ako bigla kanina habang kasama ko si Ejhay! Kundi ba naman bastos ang lalaking iyon?! Sinira niya ang nag-uumpisa na naming love story ni Ejhay!

But with all those things, ang sinabi niya sa akin kaninang galit na galit siya ang nagpawindang ng todo sa akin. Ewan ko kung galit ba talaga siya dahil hindi ako nagpaalam sa kanila o dahil may kasama akong iba o ano. Ewan ko talaga. Basta ang pag-aalala niya ang gumugulo sa akin ngayon.

Bakit naman kasi siya mag-aalala ng ganoon, to the point na natakot na ako sa galit na nakita ko sa kanya? Oo, natural na mag-alala siya sa akin. Kahit naman kasi madalas kaming mag-ayaw, close din naman kami at para na kaming... uhm, magkapatid? Dahil nga sabay kaming lumaki. Pero bakit parang sobra-sobra ang pag-aalala niya?

Hay... ewan ko.

Ano pa kaya ang mga susunod na mangyayari sa mga susunod na araw? Baka bukas kung ano na naman ang mangyari.

Waaah! Ayoko na, please!

Huwag na sana madagdagan pa ang mga pinoproblema ko. Sa problema ko palang ngayon, hindi ko na nga alam kung paano aayusin, 'tapos madadagdagan pa? Huwag naman sanang ganoon!

Nakahilata lang ako ngayon dito sa kama at nakatingin sa kisame. Eleven o' clock na ng gabi pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok.

Pero in all fairness, nakakasawa titigan ang kisame.

At dahil nakakasawa ngang titigan ang kisame, nagpagulung-gulong na lang ako sa kama ko at nagpaikut-ikot hanggang sa magulo na ang mga unan at ang kumot pati na din ang bedsheet.

Pero kahit anong gulong at ikot ang ginawa ko sa ibabaw ng kama, hindi pa din ako dinalaw ng antok. Gumulong ulit ako nang biglang makarinig ako ng katok.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon