She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30

15.8K 180 45
                                    

Chapter Twenty-Nine

Lianne's POV

Kung kanina, kalmado at tahimik lang ako. Ngayon naman, hindi ako mapakali dito sa practice namin. Para akong batang may bulate sa pwet.

Tingin ako nang tingin sa orasan para malaman kung ilang minuto pa ba ako pwedeng maghanda sa pag-uwi ko. Excited na kinakabahan ako. Hindi ko tuloy alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung dahil ba sa excite o sa kaba ay hindi ko alam. Siguro both? Ah, ewan... baka dahil kay Mark kaya kumakabog! Charing!

Mabuti na lang at break namin. Nakakapag-relax ako ng kaunti.

"Boo!"

"Ay, buteteng laot!" Napatalon pa ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat.

Kasasabi ko lang nakakapag-relax ako, may umistorbo na kaagad! Tumawa pa nang tumawa ang buteteng laot na nanggulat sa kagandahan ko.

Pagharap ko sa kanya, hinampas ko kaagad siya ng hawak kong payong. Oo, may hawak akong payong. Props namin ito kanina, ngayon ko lang napansin na hawak ko pa hanggang ngayon at nagpapasalamat ako dahil useful siya.

"A-aray!" sigaw ng hinampas ko.

Wala akong pakialam kung sino siya. Hahampasin ko pa sana ulit siya pero nahawakan na niya ang payong.

"Masakit!" malakas niyang sabi at pinanlakihan niya pa ako ng mata.

Pero parang mas nanlaki yata ang mga mata ko nang malaman ko kung sino siya.

Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ba ako nananaginip? Hindi ba ako namamalik-mata? Parang feeling ko, nitong mga nakaraang linggo, naglaho na lang siya na parang bula, eh. Tapos ngayon makikita ko siya? Hindi kaya ako nag-iilusyon lang ngayon?

"Natulala ka? Naguwapuhan ka na naman sa'kin? Nagsisisi ka na bang kay kuya ka na-in love?" Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin.

Tinampal ko nga ang mukha niya palayo sa mukha ko.

"Ang kapal ng mukha mong lalaki ka!" pabulyaw kong sabi sa kanya. "Akala ko, patay ka na at pinalitan mo na ang pamumuno ni Satanas sa impyerno! Bakit nandito ka—"

"Sobra naman ang pagka-miss ko sa'kin, Best! Ilang linggo lang naman tayong hindi nagkita. 'Tsaka pinapasundo ka na ni Satanas kaya ako nandi—"

"Ang sabihin mo, ilang linggo kang hindi nagpakita sa'kin!" Pinalo ko ulit sa kanya iyong payong dahil lumuwag ang pagkakahawak niya.

"Aray sabi!" reklamo na naman niya na halos lumuwa na ang mga mata niya sa sobrang pandidilat na para bang pinipigilan niyang gumanti sa akin.

"Saan ka ba nagsususuot at ngayon ka lang nagpakita sa'kin?!" Idinuro ko pa talaga sa kanya ang dulo ng payong.

Ngumiti naman siya bigla. Parang baliw lang! Anong nakakangiti sa mga sinabi ko at kung makangiti siya, wagas?!

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?!" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Wala..." Inakbayan niya ako. "Tara, ilibre mo ko sa canteen."

"Hoy! Ang kapal mo talagang lalaki ka! Ako pa ngayon ang manlilibre? Ikaw nga itong hindi nagpapakita sa'kin!" Talak na lang ako nang talak sa kanya habang naglalakad na kami papuntang canteen. At siya parang wala lang naririnig na ang cool lang sa paglalakad. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao habang naglalakad.

Pagdating namin sa canteen, doon lang ako tumigil sa pagtalak sa kanya dahil mas maraming tao at ayokong may mabilaukan dahil sa ingay ko.

"Oh, ano? Tapos ka na sa speech mo?" mapang-asar na tanong ni Renz at huminto kami sa tapat ng stall ng mga pagkain.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon