Bet Your Heart ♡ Chapter 46

18.3K 187 29
                                    

Chapter Forty-Six

Lianne's POV

Darating na si Daddy bukas. Alam kong dapat ay natutuwa ako dahil miss na miss ko na siya at makikita ko na rin siya sa wakas. But on the second thought... parang ayaw ko na lang muna na umuwi siya dahil pag-uusapan na naman ang kasal namin ni Mark na gusto nilang mangyari.

Ayoko pang mag-asawa! At lalong ayokong magpakasal sa lalaking hindi ako sigurado kung mahal nga ako. Oo, sinabi nga ni Renz na mahal ako ni Mark but how sure he is? I want assurance... and if in case, Mark does, hindi pa rin ako sure sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi effective ang sinasabi ni Renz na, search in your heart dahil wala na nga akong ma-search, lalo pa akong naguguluhan!

Gumulong ako sa side ng kama.

'Di ba, hindi naman ito ang sinasabi nilang love?

At gumulong ulit ako sa kabilang side.

'Di ba, wala lang naman kapag bumibilis ang heartbeat ko kapag nagkakalapit kami?

Gulong ulit to the other side.

'Di ba, wala lang naman akong nararamdaman para sa kanya? Ay, mayroon pala... I mean, naiinis ako sa kanya. Muntik na naman niya akong halikan na naman kahapon!

Roll to the left.

'Di ba, sayang iyong kiss ni Mark kanina?

Bigla akong napabangon sa kama. Nasabunatan ko sarili ko dahil sa mga kaistupiduhang pinag-iisip ko.

Ano ba?! I shook my head at pabagsaka akong humiga ulit sa kama ko. Nagpagulong-gulong na naman ako, sinusubukang hiluhin ang sarili at baka matauhan na ako. Pero walang epekto. Paulit-ulit lang na bumabalik sa akin ang mahabang nguso ni Mark kanina.

Tumayo na lang ako sa kama at dumiretso sa bathroom. Maybe I need a cool bath para ma-refresh at maalis ang malagkit na pagkakakapit ni Mark sa utak ko.

Matagal akong nakatapat lang sa shower habang nakapikit. Hinahayaan ko lang na umagos ang tubig sa katawan ko. Ewan ko ba. Feel kong magbabad sa tubig. Nang hindi pa ako nakuntento, I filled water to my bathtub and put some liquid soap, and I soaked in the tab.

Ang sarap sa feeling. Super relaxed. Parang tinangay na ng tubig ang lahat ng stress ko sa katawan buong araw.

Mabuti na lang at nawala na sa isip ko ang poging mukha ni Mark. Iyong pinkish niyang lips, pointed nose, iyong mga mata niyang kung makatitig kala mo tutunawin ako, ang kamay niyang malambot na parang kamay ng babae at iyong abs niyang kasing hot ng pandesal sa umaga!

See? Nawala talaga siya sa isip ko! He's features don't linger on my mind, they only came into my mind once... and they didn't go away since then!

Buwisit ka, Mark! What did you do to me?!

Binasa ko ang mukha gamit ang mga palad ko at pumikt ng mariin.

Please lang, Mark! Mag-evaporate ka muna sa isip ko kahit one minute lang!

Dahil wala namang nangyayari at lalo ko lang naiisip si Mark ay tumayo na ako mula sa bathtub. Walang silbi ang pagre-relax kung ang iniisip ko rin lang naman ay ang taong nagbibigay ng stress sa akin.

This is not so me. Then, who is this? Sinapian ba ako ng espiritung may gusto kay Mark? Oh, my gosh! Kailangan ko ng magpunta sa albularyo bago pa ako tuluyang saniban ng masamang espiritu na ito at hindi na umalis sa katawan ko forever!

Nakakaloka talaga! Pati sanib pinaniniwalaan ko na! Ano naman sa susunod ang paniniwalaan ko na rin? Ang love? That it can be applied to me and Mark?! Huh! That cannot be, borrow one from zero, syntax error!

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon