Bet Your Heart ♡ Chapter 14

23.7K 254 30
                                    

Chapter Fourteen

Lianne's POV

Kanina pa namin pinagti-trip-an ni Mark si Renz at mukhang pikon na pikon na siya sa amin ngayon. Tuwang-tuwa tuloy ako.

Pero ang mas nakakatuwa na sa buong panahon na nandito kami sa Boracay, ngayon lang yata kami nagkasundo ni Mark. Minsan lang kami maging magkakampi nito. Kailangan yata namin magpa-party.

Nang magsawa kami sa pool area ng hotel, nagdesisyon kaming maglakad-lakad sa main beach. Pero siyempre, nagbihis muna kami ni Mark dahil basa kami at baka pagkaguluhan kami kapag lumabas kami ng ganoon ang hitsura. Ang hot kasi namin. Charot!

Habang naglalakad kami, napapansin kong kanina pa sulyap nang sulyap sa akin si Wendy at kapag nahuhuli ko ang tingin niya ay nag-iiwas siya ng tingin. Parang naiilang siya sa akin na ewan.

Pero ewan ko talaga. Napa-paranoid lang siguro ako. Hindi lang siguro siya sa akin ganoon. Pati siguro kay Mark kasi ngayon niya lang kami nakilala, kaya naiilang pa siya.

Hmm... Tumingin ako sa paligid at may nakita akong nagtitinda ng dirty ice cream.

Siniko ko si Mark na katabi kong naglalakad. "Mark, I want ice cream," sabi ko sa kanya with matching puppy eyes.

"Saan ba meron?" tanong naman niya.

"'Ayun, o." Ngumuso ako sa direksyon kung nasaan ang nagtitinda ng dirty ice cream.

Hinawakan ako ni Mark sa kamay at hinila ako palapit doon sa nagtitinda ng ice cream. Bumili kami ng dalawa, tag-isa kami.

We ate in silence at hindi man lang namin inaya sila Renz at Wendy. Ang damot lang namin. Pero busy din naman kasi sila at ayaw na namin istorbohin ang moment nila. Baka maasar na naman si Renz at topakin pa lalo.

Umupo kami sa malapit na bench. Nagpaka-busy ako sa pagkain ng chocolate ice cream ko habang si Mark sa vanilla ice cream niya. Ang tahimik namin pareho. Galit-galit talaga kapag may pagkain.

Ang tagal na rin nang huli akong kumain nito at talaga namang na-miss ko. Kaya maya-maya lang ay naubos ko na ang ice cream na hawak ko. At gusto ko pa! Kinalabit ko si Mark na busy pa din sa pagkain. Naunahan ko pa siyang maubos ang ice cream. Paubos na rin naman ang kinakain niya pero ang bagal pa rin niyang kumain. Kung may giyera, sumusugod na ang kalaban ay kumakain pa rin siya.

Lumingon siya sa akin na nagtatanong ang tingin dahil nga nakatitig ako sa kanya.

"Gusto ko pa," sabi ko with puppy eyes ulit at may kasama na pang pout. Ang cute ko daw kasi kapag ginagawa ko iyon.

"Ang takaw mo naman. Ito ngang akin hindi ko pa ubos, tapos ikaw humihirit agad?" sabi naman niya na itinaas pa 'yong ice cream niya.

"Ehh..." I shook my shoulders in a childish way. "Ang bagal mo lang talaga kumain. Sige na, bili mo pa 'ko." Hinatak ko pa 'yong dulo ng t-shirt niya.

"Oo na, oo na," parang napipilitan naman niyang sabi. "Huwag mo na akong hubaran. Ang aga-aga pa, nanghuhubad ka na. Mamayang gabi na," naiinis niyang sabi pero bigla na lang siyang ngumiti ng nakakaloko.

Binitawan ko ang t-shirt niya at napanguso pa ako lalo. Gusto ko sana siyang suntukin sa kakapalan ng mukha niya. Pero ayaw ko siyang awayin ngayon kasi baka hindi niya na ako ibili ng ice cream. 'Tsaka, magkakampi nga kami ngayon, 'di ba? Kahit na muntik na niya akong lunirin kanina, kampi kami ngayon basta bibilhan niya pa ulit ako ng ice cream!

Tumayo na siya para bumili ulit ng ice cream. Pagbalik niya ay tatlo ang dala niya. Isang chocolate, isang vanilla at isang chocolate-vanilla.

"Dalawa ang sa akin?" tanong ko agad with wide smile and twinkling eyes.

♡ Playing Love Games ♡Où les histoires vivent. Découvrez maintenant