Bet Your Heart ♡ Chapter 9

29.2K 287 73
                                    

Chapter Nine

Renz' POV

Nagising ako at ang unang bumungad sa akin ay ang off-white na ceiling. Alam kong hindi ito ang kuwarto namin ni Kuya... nasa ibang kuwarto ako.

Napahinga ako ng malalim. Hindi naman ako ganoon kalasing kagabi para hindi matandaan ang nangyari.

First time ko magka-heartbreak at napasama ako sa isang babae na hindi ko man lang alam kahit ang pangalan hanggang ngayon... hanggang ngayon na may nangyari na sa amin.

At ngayon, paano ko ba haharapin ang nangyari? Hindi ko pwedeng basta-basta balewalain na lang ang nangyari sa amin.

She was virgin. Alam kong mahalaga ang pagkababae niya sa kanya. Kaya nga sila nag-break ng boyfriend niya dahil hindi niya pa kayang ibigay sa gago ang sarili. But, look... naibigay niya sa akin nang ganoon na lang ang sarili niya.

Damn! I shouldn't take advantage on her last night.

Napasabunot ako sa ulo ko habang nakatutok pa din ang paningin sa kisame.

Pero kasalanan ko ba talaga? Siya ang unang humalik sa akin at lalaki lang ako.

Agh! Hindi ko pwedeng gawing excuse iyon, right? Ako ang nasa katinuan pa kagabi. Ako dapat ang nakakaalam kung ano ang dapat at tamang gawin!

Tumingin ako sa babaeng nasa tabi ko. Tulog pa rin siya at mukhang mahimbing na mahimbing pa.

Her angelic face.

Napabuntong-hininga ulit ako at hindi ko maiwasang maalala ang nangyari sa amin kagabi habang nakatingin sa maamo niyang mukha.

∞∞∞

"Hey!" narinig kong sigaw ng isang babae sa bandang likuran ko.

Hindi ko iyon pinansin. Hindi naman kasi 'Hey' ang pangalan ko. Nagtuluy-tuloy lang ako sa paglalakad dahil hindi naman siguro ako ang tinatawag niya.

Nang hindi ko na ulit marinig na nagsalita ang kung sinumang babae na sumigaw kanina, I assumed na hindi talaga ako ang tinawag niya.

"Ang suplado mo naman," biglang may nagsalita sa tabi ko. Nagulat ako pero hind ko pinahalata.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung may bigla na lang magsasalita sa tabi mo nang hindi mo man lang naramdaman o naulinigan ang paglapit sa iyo? Maysa-pusa yata ang tao na ito.

Tinignan ko kung sino ba ang parang kabute na bigla na lang sumulpot sa tabi ko ng hindi ko namamalayan. And I saw a woman with a pretty face.

"Excuse me? Ako ba ang kinakausap mo?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

She rolled her eyes heavenwards before she answered my question. "Ay, hindi! Hindi ikaw ang kinakausap ko, 'yong anino mo!" she said in a sarcastic way. "Hi, anino! Kamusta ka?" pamimilosopo niya pa at kumaway pa talaga sa anino ko!

Hindi ko napigilan ang pagkunot pa lalo ng noo ko sa inis. Badtrip na nga ako, may tao pa akong makakausap na katulad ng babaeng ito!

"Tsss! If you don't mind Miss Who-Ever-You-Are, wala akong panahon sa mga kakornihan mo sa buhay," pangbabara ko din sa kanya at ibinalik ko ang tingin ko sa daan.

"You're such a suplado," maarte niya namang kumento habang nakatingin pa din siya sa akin. "Uhm... mukhang may problema ka, ha? Want to have some drink with me?"

Lumingon ako sa kanya. Well, mukhang iyon talaga ang kailangan ko ngayon—alak at company ng isang kaibigan o ng kung sinumang puwedeng makausap ngayon.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon