She Played Her Part ♡ Chapter 15

16.2K 176 27
                                    

Chapter Fifteen

Mark's POV

Kaninang umaga ko lang nalaman na umuwi pala si Lianne kagabi. Nakakaasar at kagabi ko pa talaga hindi naisipan na pumunta sa kanila. Hindi ko tuloy siya nakita at nakausap. Sinabi rin sa akin ni Tita na hindi na siya sa unit ni Myleen makikituloy. May lilipatan daw siyang unit ng isa pang kaibigan.

Hindi raw nabanggit ni Lianne kung saan siya tutuloy at gusto iyong malaman ni Tita. At bilang boyfriend, nagprisinta na ako na alamin kung saan.

Kaya heto... nasa labas ako ng classroom nila Lianne at inaabangan ko matapos ang huling klase nila para makausap siya. And hopefully, kausapin niya ako this time.

Hindi naman nagtagal ay nakita kong naglalabasan na ang mga classmates niya. Nakita ko ang mga kaibigan ni Lianne at ine-expect ko na kasunod na siya ng mga ito. Pero walang Lianne na lumabas. Hindi ba siya pumasok?

Nagtatakang lumapit na ako kila Myleen para magtanong.

"Uy, si papa Mark, o," sabi ni Faye pagkakita sa akin na palapit sa kanila. Kinalabit pa niya ang dalawa pa niyang kaibigan.

"Hi, papa Mark!" bati naman ni Myleen at Tracy.

Hindi ko alam kung kailan nagkaroon ng 'papa' ang pangalan ko. Ang alam ko kasi Mark Kelvin lang ang pangalan ko. Medyo napailing na lang ako. Hindi ko kasi alam kung saan nila napulot ang 'papa'. Hindi rin naman siguro ako mukhang tatay na, 'di ba?

"Hi, girl," bati ko rin sa kanila at ngumiti ako. "Si Lianne?" I asked, afterwards.

Nagtinginan silang tatlo. Ewan ko kung bakit pero parang hindi ko magugustuhan ang dahilan ng pagtitinginan nila. Kumunot ang noo ko.

"Nasa loob pa, eh," sagot ni Myleen na may kasunod pang pilit na tawa, 'tapos nagbuklat-buklat siya ng notebook na hawak niya.

"Oo, kausap pa ng prof namin," sabi naman ni Tracy na pinilit ding ngumiti.

Ngumiti lang rin si Faye at kinuha ang cellphone niya. What's wrong with them? Para silang may iniiwasan sabihin.

Gusto ko mang pumasok sa room ay pinili ko na lang maghintay pa. Baka naman may ibinigay lang na gawain ang prof nila kya Lianne. Hindi rin naman ako nagmamadali at kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal.

"'Ayan na pala sila," sabi ni Faye na nakatingin sa likod ko.

Nang lumingon ako, nakita kong kalalabas lang ng ni Lianne ng room at kasunod niya ang prof nila at si Ejhay. Now I know kung anong ayaw sabihin sa akin ng mga kaibigan ni Lianne.

I shrugged. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hindi ba nila sinabi sa akin na kasama sa loob si Ejhay dahil baka masaktan ako o dahil may namamagitan na sa kanila ng girlfriend ko? Ayokong isipin ang huli. Nasasaktan ako. At ayoko ring pangunahan ng masasamang kaisipan si Lianne.

Nakangiting nagpaalam si Lianne sa prof nila at sabay silang naglakad ni Ejhay papunta sa puwesto namin ng mga kaibigan niya. Pero nawala agad ang ngiti niya nang makita ako.

Para may sumuntok sa dibdib ko. Ganoon ba siya kagalit sa akin na parang ayaw niya akong makita? Hindi man lang ba niya ako na-miss kahit kaunti?

Nakalapit na sila sa amin at nakatingin lang kami sa isa't isa. Siyang ang unang nagbawi ng tingin.

"Tara, pinsan! Libre mo kami." Kinapitan ni Myleen si Ejhay sa isang braso.

Tumingin naman si Ejhay kay Lianne. Parang nagtatanong kung aalis ba siya kasama ang mga kaibigan nito o hindi.

Marahang tumango lang si Lianne.

Nakaramdam ako ng inis at higit sa lahat, selos. Bakit kailangang ganoon sila mag-usap?! At sa harapan ko pa?

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon