Bet Your Heart ♡ Chapter 8

30.4K 317 71
                                    

Chapter Eight

Lianne's POV

Katulad ko ay gulat na gulat din si Mark at pati na rin ang nagbukas ng pinto.

Nakahawak pa din si Mark sa magkabilang braso ko, hindi yata siya makakilos sa sobrang pagkagulat at ganoon din ako. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

Ilang segundo pa kaming pare-parehong nakahinto. Pero maya-maya rin ay naunang makabawi si Mark.

Tumikhim siya at naramdaman ko ang paggalaw niya. Inalis niya ang mga kamay niyang nakawak sa akin at inayos niya ang sarili. Natataranta ko namang inayos din ang sarili.

Patay! Sobrang nakakahiya! Sana lamunin na lang ako ng sahig para nakatakas ako sa kahihiyan na ito!

"Ah... Tito, kung anuman—" basag ni Mark sa katahimikan pero pinutol na ni Daddy ang balak niyang pagpapaliwanag.

"Ayusin niyo na ang mga sarili niyo at sumunod kayo sa baba," seryosong utos ni Daddy sa amin, saka siya tumalikod at umalis.

Ilang saglit na naman kaming natahimik at nakatingin lang sa pintuang iniwan ni Daddy na nakabukas.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang seryoso ni Daddy kanina at kapag ganoon siya kaseryoso, patay talaga ako! Hindi... hindi lang pala ako, pati si Mark!

Waaah! What to do? nagpa-panic na tanong ko sa sarili.

"Lianne, mag—" basag na naman ni Mark sa ilang minutong katahimikan na namagitan sa amin, but this time ay ako naman pumutol sa sasabihin niya.

"Kasalanan mo ito!" walang gatol kong paninisi sa kanya.

Medyo nagulat naman siya pero agad ding nakabawi. "Kasalanan ko pa ba iyon? Eh, ikaw nga riyan ang pakipot! Kung nagpahalik ka agad, edi sana, hindi tayo nakita na nasa ganoong ayos ni Tito," sisi niya rin sa akin na lalo kong kinaasar.

Pakipot daw ako?! Eh, kung ihagis ko kaya siya sa dagat ngayon?!

"Alam mo, ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka?!" nanggagalaiti ko nang sigaw sa kanya.

Grrr! Nakakainis talaga siya kahit kailan! Ang aga-aga, sinisira niya ang araw ko at lalo pang sumasakit ang ulo ko!

"At ako pa ang makapal ang mukha ngayon? Ikaw na nga nasiyahan sa paghalik-halik sa akin kagabi!" mapang-asar na niyang balik sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sinabi niya.

Ano'ng pinagsasabi niyang nasiyahan ako sa halik niya?! Eh, hindi ko nga maalala na hinalikan ko nga siya kagabi. At ang akala kong panaginip ko na hinalikan ko siya, hindi ko nga maalala kung ano ba ang feeling! At ayoko na ding malaman ang feeling dahil baka... basta!

Umuusok na ang bumbunan ko dahil sa init ng ulo ko sa kanya! Gusto ko na siya sakalin ngayon, dito mismo sa kuwarto na ito at sa mismong kinatatayuan niya ang paglilibingan ko sa kanya!

"Dalian mo na magbihis. Baka akalain ni Tito... itinuloy na natin iyong nakita niya kanina," utos niya pa na may nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

"Asa!" pabulyaw ko namang sabi sa kanya na may kasama pang pag-irap.

Hindi na siya sumagot. Pero nahalata kong pinipigil niya ang pagtawa niya. Malalagot na nga kami tapos nakukuha niya pang mang-asar!

Grrr! Ang sarap niyang talagang sakalin!

Tinalikuran ko na lang siya at hinarap ko ang lalagyan ko ng mga damit para kumuha ng damit na pamalit. Pagkatapos ay pumasok na ako sa bathroom. Hinayaan ko na lang siya sa loob ng kwarto ko. Ni-lock ko na lang ng maigi ang pinto. Baka kasi abutin pa kami ng siyam-siyam kung papalabasin ko pa siya.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon