Bet Your Heart ♡ Chapter 37

18.8K 178 53
                                    

Chapter Thirty-Seven

Lianne's POV

Beep! I heard my message alert tone.

Tiningnan ko kung sino ang nag-text ng pagkaaga-aga. Ala sinco pa lang kaya ng umaga! Sino'ng nangbubulabog sa kagandahan ko ng ganitong oras? Pero in fairness, nagising ako sa beep ng cellphone ko. Napakababaw yata ng tulog ko these days.

It's from Renz. I read the message and it says:

We have a date today. I'll pick you up at 3PM. Don't worry about kuya, ipinagpaalam na kita. -_-

Ay, dios mio! 3PM pa pero ang aga aga niyang nag-text! At may poker face pa talaga sa dulo ang text niya na parang labag sa kalooban niyang ipinagpaalam niya ako sa kuya niya. Sino ba naman kasi ang nagsabing ipagpaalam niya ako sa unggoy na iyon? At isa pa, hindi pa rin ba talaga niya titigilan ang kalokohan niya?!

Nag-reply ako:

K!!!!!

With so much effort ang reply ko na 'yan dahil halos madurog ang screen ng phone ko sa pag-type.

Nakakaasar! Ang aga-aga pa para sirain niya ang araw ko. Makatulog na nga lang ulit. Pero inaayos ko pa lang ang pagkakahiga ko nang marinig ko na naman nag-beep ang cellphone ko.

Ang unggoy na 'yon talaga! Mukhang naghahanap ng sakit sa katawan!

Padabog kong dinampot ulit ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table at binasa ang message niya.

Aga mo namang magising? Himala 'yan... matulog ka pa ulit para lumaki ka pa. :D

Napahinga ako ng malalim dahil sa inis. Ang lakas kasing mang-asar. At smiley naman ngayon ang nasa dulo ng text niya. Napaka lakas ng mood swings. Napairap pa ako sa kawalan bago nag-reply ulit with all the caps in the world.

PAANO AKO MATUTULOG ULIT KUNG BEEP NANG BEEP ANG PHONE KO?!!!!!!!

Nang mai-send ko iyon ay ibinagsak ko lang ang cellphone ko sa tabi ko habang nakatihaya ako at nakipagtitigan sa kisame. Wala pang isang minuto nagka-receive na ulit ako ng reply niya.

Kung hindi ka nagre-reply, edi sana hindi na nag-iingay ang cellphone mo ngayon dahil sa reply ko. >:D

Buwisit! So, kasalanan ko pa pala dahil nag-reply ako?!

EWAN KO SA 'YO! SYOKOY KA! SYOKOY NA UNGGOY!!!

Ewan ko pero nai-imagine ko si Renz na tumatawa dahil sa mga texts ko. Baka nga gumugulung-gulong na iyon sa ibabaw ng kama niya at sana lang ay mahulog siya at magkabukol!

Beep!

Bakit ang bilis niya mag-reply?!

ANG CUTE MO! :)

Ugh! I really see his face with a big smile like when he used to say this to me in person! At hindi iyon nakakatuwa. Masarap tagain ang mukha niya kapag ganoon, I swear!

I KNOW RIGHT!

Akala niya, huh!

Beep!

Yeah, you should really know too that I love you...

Ay, pusang pagala-gala sa umaga! Napabangon ako kasabay ng paghagis ko sa cellphone ko sa bandang paanan ng kama ko.

Ano ba naman kasi 'yon?! Kinilabutan ako! Lahat yata ng balahibo ko sa katawan nagsitaasan at pati lahat ng pores ko nagulat!

Nakatingin lang ako sa phone ko na nakatihayang bumagsak. Mga ilang minuto rin siguro ako na ganoon. Napakurap lang ako nang maya-maya ay umilaw iyon at tumunog ang instrumental ng 'Twinkle, Twinkle' na ka-tune ng 'ABC song.' Ewan ko ba kung bakit iyan ang incoming call tone ko.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon