Bet Your Heart ♡ Chapter 44

18.1K 192 60
                                    

Chapter Forty-Four

Mark's POV

Tinanghali ako ng gising. Hindi ko alam kung may gayuma ba iyong pinakain na brownies sa akin ni Lianne dahil napuyat ako kagabi sa kakaisip sa kanya. Bihira lang naman kasi na hindi ako makatulog kakaisip sa kanya. Mga limang beses lang sa isang linggo? Kidding!

Masyado lang ako na-bother sa Qinn na 'yon at masyado rin akong nag-expect na aamuhin niya ako dahil siya itong nangtu-two time.

Aba? Sobrang loyal ko sa kanya na simula pa noong mga bata kami siya lang ang gusto ko. I dated other girls before pero hanggang doon na lang iyon. Pero siya may iba pang boyfriend bukod sa akin ngayon?

Hindi na talaga ako makakapayag sa ganoon.

Tumayo na ako sa kama at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay namin at nagpunta sa kabila para makita ko agad ang pumuyat sa akin kagabi. Kahit hindi pa siya nagso-sorry sa nangyari kahapon, hahayaan ko na lang. Mahal ko naman, eh.

Siyempre sa bakod lang ulit ako dumaan para mabilis. Dumiretso ako papasok ng bahay nila at nakita ko si Tita Lea sa sala na nag-aayos ng mga bulaklak sa isang vase. Kailan ko kaya makikita si Lianne na ganyan ang ginagawa sa loob ng bahay?

"Good morning, Tita!" masiglang bati ko kay Tita para mapansin niya ang presence ko.

Hindi naman ako nabigo kasi lumingon siya sa akin. "Good morning, hijo," nakangiting bati rin sa akin ni Tita.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Ang ganda lang talaga ng Mommy ng mahal ko. Para silang pinagbiyak na bunga ni Lianne. Kahit may edad na si Tita Lea, hindi pa rin maitatanggi na maganda siya.

Oy! Hindi ako nagpapalakas sa nanay ng babaeng mahal ko, dahil matagal na akong malakas d'yan! Nagsasabi lang ako ng totoo.

"Tita, akyat lang po ako sa kuwarto ni Lianne," paalam ko.

Tiwala naman sa akin si Tita pero kahit alam kong hindi naman ako papagalitan kahit pa umakyat ako sa kuwarto ni Lianne ng walang paalam, gusto ko pa rin siyempre magbigay galang. Ganito talaga kaming mababait na pogi.

"Naku... nakaalis na si Lianne, Hijo, kanina pa," sabi ni Tita na nagpatigil sa akin sa pag-akyat.

"Umalis po? Saan po nagpunta?" magkasunod kong tanong. Wala naman kasi siyang nabanggit sa akin na lakad ngayon.

"She's at the university, nag-enroll," sagot ni Tita. "Hindi mo ba alam?"

"Wala po siyang nabanggit sa akin, Tita," napapakamot sa ulo kong sabi.

Tsk! Bakit hindi niya sinabi sa akin? Kung sinabi niya, edi sana maaga akong gumising at sinamahan ko siya kahit puyat ako.

"Baka nakalimutang sabihin sa'yo."

"Sige po, Tita, susunduin ko na lang po siya," paalam ko na.

"Teka... kumain ka na ba, hijo?" pahabol na tanong pa ni Tita.

"Pagkasundo ko na lang po kay Lianne. Baka hindi pa rin po siya nag-lunch. Sabay na lang po kami," wika ko habang naglalakad na palabas ng bahay nila.

Kahit nagugutom na talaga ako, hindi na muna ako kakain para lang masundo siya. Baka hindi ko na siya maabutan kung kakain pa ako. Malamang nagbabalak silang gumalang magkakaibigan dahil matagal silang hindi nagkita-kita.

"O, sige, mag-ingat ka sa pag-drive," bilin pa sa akin ni Tita. "Tatawagan ko na rin si Mang Amboy para umuwi na at magpapahatid ako sa grocery."

"Sure, Tita!"

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon