Bet Your Heart ♡ Chapter 48

18.5K 219 78
                                    

Chapter Forty-Eight

Lianne's POV

"Sigurado ba kayo na 'yan ang gusto niyo?" tanong sa amin ni Daddy matapos namin sabihin ni Mark na ayaw pa naming magpakasal.

"Tito—"

"Daddy..." Dad cut him off. "Daddy pa rin ang itawag mo sa akin kahit hindi pa kayo ikakasal ni Lianne."

"Ah, Dad..." medyo alangang ulit ni Mark. "Hindi naman po kami nagmamadali ni Lianne. We both still have many plans. She wants to finish her studies and I want to be stable first. Besides, marriage is a serious commitment, ayaw po naming sumubo na lang ng basta-basta sa isang bagay na pareho pa po kaming hindi handa."

Woah! Parang totoo lang! Parang totoong ayaw niya pa talagang magpakasal kami agad. I want to laugh so hard but for the sake of my singlehood, I restrained myself.

"That's right, Dad," segunda ko naman sa sinabi ni Mark. "Tsaka gusto ko pa kayong makasama ni Mommy ng matagal dito sa bahay natin," malambing ko pang dagdag at humilig pa ako sa balikat niya dahil magkatabi kami habang si Mark naman ay nasa harapan namin.

Hindi agad nagsalita si Daddy at parang tinitimbang niya ang mga sinabi namin. Napadasal naman ako ng taimtim. Hindi puwedeng ipagpilitan niya ang kasal dahil baka maging runaway bride ako ng wala sa oras!

Bumuntong-hininga si Daddy bago nagsalita. "Kung kami ang tatanungin, gusto na talaga namin kayong ipakasal sa lalong madaling panahon. Pero kung 'yan talaga ang gusto niyo, may magagawa pa ba kami? Malalaki na kayo at alam naming marunong na kayong magdesisyon para sa mga sarili niyo."

Literal na nakahinga ako ng maluwag. Nang tumingin ako kay Mark ay nakasimangot siya at halatang labag talaga sa loob niya ang pagsang-ayon sa amin ni Daddy. Pero nang tumingin ito sa kanya ay ngumiti siya. Natatawa tuloy ako ng wala sa oras.

"Excuse me po, Sir Ed..." pang-aabala ng kasambahay namin. "May tawag po kayo galing Singapore."

Pagkarinig niyon ay napatayo agad si Daddy. "I need to take this call. Maiwan ko na muna kayo," paalam niya at nagmamadali na siyang pumunta sa library.

Napakunot ang noo ko. Gaano ba ka-urgent ang call na iyon at nagmamadali talaga si Daddy? He's not usually like that. He always made clear of things before he ends a conversation. I expect na kahit pumayag na siya sa gusto namin ay marami pa rin siyang itatanong sa mga balak namin ni Mark. Pero hindi iyon nangyari dahil lang sa isang tawag. That must be something. Iyon pa rin kaya ang importanteng business trip niya nitong nakaraan lang?

Nang kaming dalawa na lang ni Mark ang naroon ay hinarap ko siya. It's time for me to thank him. Pero nang makaharap ko siya ay nakatingin siya sa dinaanan ni Daddy and I don't know what's on his face.

Is he bothered also about the call?

I shrugged to brush away the thought. Hindi naman siguro namin kailangang problemahin iyon kung problema nga iyon.

Lumapit ako kay Mark at kumapit ako sa braso niya. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko and it's funny that he's so preoccupied. Siguro gusto niya pa ring umapela sa pagpayag ni Daddy na huwag ituloy ang kasal namin.

"Labas tayo, babe," malambing na sabi ko sa kanya.

He cleared his throat. "Where to?" he asked.

"Anywhere?" hindi siguradong sagot ko. Wala rin kasi akong maisip na pupuntahan.

Tumitig siya sa akin at hindi nagsalita. I find it weird dahil parang may gusto siyang sabihin sa akin. Maya-maya ay hinawakan niya ako sa kamay.

"'Something wrong?" I can't help to ask.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon