Bet Your Heart ♡ Chapter 21

21.4K 211 65
                                    

Chapter Twenty-One

Lianne's POV

"Hi!"

Lumingon ako para malaman kung sino ang nagsalita at nakita kong may palapit sa akin na isang babae na may kasamang dalawang lalake.

Nandito ako ngayon sa pool area ng resort. Naloloka na kasi ako loob ng kuwarto ko na ang apat na sulok lang ang nakikita ko sa loob kaya naisipan kong dito na lang tumambay. Nakaupo lang ako sa gilid ng pool habang nakatampisaw ang mga paa ko sa tubig. Wala akong balak maligo baka malunod ako sa sobrang inis pa rin kay Mark. Tsaka ayoko din maligo dahil nga may girl thing ako.

Ngumiti ako sa kanila nang mapagtanto kong sa akin pala bumati ang babaeng morena.

"Hi! Do you mind if we join you here?" tanong ng babae nang makalapit sila sa akin. Ang cute ng boses niya. Bagay na bagay sa mukha niyang cute din.

Ngumiti ako. "Hello. No, of course, I don't mind."

"That's great! By the way I'm Jessica, this is Axel and Emil," pakilala niya sa sarili niya pati sa mga kasama niya.

"I'm Lianne." Nakipag-shake hands ako sa kanila isa-isa.

Nang si Axel na ang kinakamayan ko ay hindi niya agad binibitawan ang kamay ko. At sigurado akong chicboy ang isang ito.

Marami na akong nakilalang katulad niya at hindi na bago sa akin ang mga lalaking ayaw kaagad bitawan ang kamay ko. Maganda kasi ako... palagi. Take note, palagi!

"Excuse me, Axel," nakataas ang kilay na sabi ni Jessica. Masama ang tingin niya kay Axel.

"Oh, I'm sorry." Nagkibit-balikat lang si Axel tapos lumayo na siya sa amin.

Lumayo din si Jessica pero opposite ng way na pinuntahan ni Axel. Kaming dalawa naiwan ni Emil. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

Nasaan na ang good mood na kanina lang ay umaapaw kay Jessica? Bakit daig niya pa yata ang mood swings ko? May dalaw din ba siya o nagseselos lang?

Pero teka... wala akong kasalanan, okay? Si Axel ang chicboy! Nagkataon lang na chic ako. Kokorokoook! Hahaha!

Ngumiti si Emil sa akin. "Nagseselos si Jessica."

Errr. Napangiwi ako at napatingin sa kanila na nasa magkabilang dako ng pool side. I thought so.

"Ganyan talaga ang dalawa 'yan," pagkukuwento ni Emil. "Ewan ko ba kay Axel... ayaw pa aminin na gusto niya si Jessica kahit pinapakita na ni Jessica na may gusto siya sa kanya. Si Jessica naman, ayaw maniwala na gusto din siya ni Axel. Hangga't hindi daw si Axel ang nagsasabi sa kanya, hindi siya maniniwala."

Topak naman pala ang dalawa ito, eh. Tsk! Mas malakas pa topak sa akin kapag may dalaw ako. Gusto naman pala nila ang isa't isa, nag-iinarte pa. Mga tao talaga parang ewan minsan.

May naisip tuloy akong exciting na idea pero para magawa ko iyon, kailangan kong hanapin si Mark.

Nagpaalam ako kay Emil na may pupuntahan lang ako saglit at babalik din ako. Iniwan ko sila sa pool at sana pagbalik ko kasama si Mark ay naroon pa din sila.

Sa main beach ko hinanap si Mark. Baka sakaling nagsa-sightseeing lang siya ng mga babaeng naka-two piece or nakikipag-mingle sa mga babae.

Lumingon ako sa mga babaeng nagkukumpulan at nagbakasakaling makikita ko siya roon. Pero wala.

Nasaan na ba ang boyfriend ko? Take note again, boyfriend ko! Charing! Siyempre, may kailangan ako sa kanya kaya boyfriend ang tawag ko sa kanya ngayon.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon