She Played Her Part ♡ Chapter 3

17.8K 181 36
                                    

Chapter Three

Edmund's POV

Nagising ako nang maramdaman kong bumangon mula sa higaan namin si Lea, ang butihin kong asawa. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng kama namin kaya bumangon na rin ako.

Lumingon siya sa akin nang maramdaman ang paggalaw ko and she gave me a faint smile.

Alam kong nag-aalala siya para sa gagawin ko sa mga susunod na araw. But I have to do this for the sake my daughter at para matahimik na rin ang kalooban ko.

Matagal ko nang itinago kay Lianne ang isang bagay na dapat ay noon ko pa ipinaalam sa kanya at matagal ko ring ipinagkait sa isang inosenteng tao ang mamuhay ng normal.

I have to do this for both of them. Alam kong may masasaktan. But truth really hurts. Kahit ang kapalit pa ng pagbubunyag ko ng katotohan ang maging dahilan para masaktan si Lianne at ang posibilidad na kamuhian niya ako.

Kailangan kong gawin ito. Panahon na siguro para siya naman ang unahin ko at bigyan ng atensyon na dapat noon ko pa ibinigay. Ang karapan na nararapat para sa kanya.

"Ed..." Lea called me, weakly.

Nilapitan ko siya at niyakap. Alam kong nasaktan din siya noon at nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. But she stayed with me. She listened to me and she understood everything I explained before. She gave me the forgiveness I asked.

How lucky I am to have her as my wife.

"Sorry..." I whispered and kissed her on her forehead.

She shook her head. "Don't be sorry, Ed," she uttered understandingly. "Nag-aalala lang ako para kay Lianne pero alam kong napalaki natin siya ng tama. She'll be hurt and it's normal, but sooner, she'll understand and accept it. Kaya higit sa lahat, mas nag-aalala ako sa lagay ni Hannah ngayon."

Niloloko ko ang sarili kung sasabihin kong hindi ako nag-aalala para kay Lianne. Oo, malaki na siya at kaya na niyang intindihin ang lahat pero katulad ng sinabi ng asawa ko, hindi pa rin maaalis na masasaktan siya kapag nalaman na niya ang totoo. And that's the last thing I ever want to do, ang saktan ang anak ko.

But for the sake of Hannah...

"I just hope, Lianne will understand," wikang muli ng asawa ko.

Naghiwalay kami at mataman ko siyang tinitigan. She then again gave me a smile. A warm smile that never fails to give me strength in every step I make in every way.

Sabay na kaming lumabas ng kuwarto. Pinauna ko na siyang bumaba dahil gusto ko munang pumunta sa kuwarto ni Lianne.

As I opened the door of her room and saw her still asleep, I felt pain in my heart. Pain that I know, she'll be going through soon.

Lumapit ako sa higaan niya at umupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti.

Akala namin ni Lea noon ay hindi na kami magkakaanak. Ang sabi kasi ng doktor, mahihirapan siya sa pagbubuntis at kung mabubuntis man siya ay baka hindi palarin at makunan siya.

But God is good to us that He gave us our Lianne.

∞∞∞

I just got home from my work. Nakita ko si Lea sa harap ng pintuan ng bahay namin na nag-aabang sa pagdating ko. She smiled at me the moment she saw me, like she's so happy just by seeing me.

Hindi niya na ako hinintay na makalapit sa kanya. Naglakad na rin siya para salubungin ako ng yakap. I could feel that she's really happy. Her smile and her act didn't fail to show it, her positive energy was radiating.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon