She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17

16.5K 173 57
                                    

Chapter Sixteen

Lianne's POV

Pangalawang araw ko na dito sa unit ni Ejhay. Dalawang araw ko na rin siyang kasama kahit saan ako magpunta. Oh, well... sa university lang naman kami madalas nagpupunta dahil may pasok at minsan niya akong sinamahan na bumili ng personal kong gamit. And that's all.

Mabuti na lang at along the way itong unit niya papuntang university kaya nadadaanan niya ako at pareho kami ng oras ng pasok. Hindi pareho ang oras ng tapos ng klase namin pero after class ay pareho kaming nasa theater kaya naisasabay niya rin ako pauwi.

He's now the pianist in the theater. Dati na rin siyang pianist sa main campus pero hindi raw siya active sa pagpa-participate sa mga events kaya hindi ko pa siya na-meet noon.

Napabuntong-hininga ako. Mas nakakasama ko pa siya kaysa kay Mark na boyfriend ko. Mukhang busy si Mark sa trabaho pero akala ko ba ayaw niya akong naglalapit kay Ejhay? Dapat kahit busy siya, he makes time na ihatid-sundo man lang ako.

Okay, ang demanding ko na naman. Ako naman itong may gusto na nandito ako at hindi siya. Kung nasa bahay ako, for sure ihahatid-sundo niya naman ako.

Pero sana lang aya hindi agad magsawa si Ejhay na ihatid-sundo ako kahit wala naman siyang napapala sa akin. Kapag nagkataon, hindi ko alam kung paano ako papasok. I'm so dumb. Mag-commute lang hindi ko pa alam. Ang laki-laki ko na!

Ang engot ko talaga sa mga daan.

Naisip ko na rin naman ang hindi ako dapat palaging ganito. Dapat matuto rin akong mag-isa. Ejhay is just so kind to help me right now, pero darating din 'yong panahon na baka magka-girlfriend din siya. Sa guwapo ba naman niyang iyon, magtatagal siyang single? I don't think so.

One o these days magpapaturo akong magmaneho. May maps naman na online na puwede kong magamit if ever. Sana lang, hindi ako palaging iligaw na mga apps.

Hinihintay ko ngayon si Ejhay. Galing daw siyang university at maisasabay niya akong umuwi. Kukunin ko ang ibang gamit ko na kailangan sa bahay. Mostly ay ang mga school stuff ko.

Medyo late na nga siya sa usapan namin. Sinilip ko ang cellphone ko to check kung may message galing sa kanya.

Nasaan na kaya siya?

I'm about to call him nang may kumatok sa pinto. Si Ejhay na siguro 'yan. Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa center table at sinipat ko muna saglit ang hitsura ko sa salamin, saka ko binuksan ang pinto.

"Hello, Bruh!" malakas na bati ng napagbuksan ko na ikinagulat ko.

Apat na tao ang bumungad sa akin. Bakit dumami si Ejhay. I only expect Ejhay to come! Bakit may mga kasama siya?

Nakakapit sa magkabilang braso ni Ejhay si Tracy at Faye. Para silang mga tuko kung makakapit! Habang si Ejhay naman ay nakangiti lang at mukhang aliw na aliw pa sa dalawa.

"Excuse me..." Dire-diretsong pumasok si Myleen sa unit at hinawi pa ako para makadaan siya kahit hindi niya naman kailangan gawin iyon dahil malaki naman puwede niyang madaanan sa gilid ko!

Akala mo kung sinong malaking tao, eh magkasing liit lang naman kami! Buwisit! Porket ba mayaman siya?!

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko habang naglalakad na rin papasok sa loob si Faye at Tracy. Ni hindi man lang nila sinagot ang tanong ko nilagpasan lang ako.

Naiwan si Ejhay sa labas ng pinto na nakatingin lang sa mga bruha kong kaibigan. Parang nagtataka rin siya kung bakit nandito sila. He just shrugged at sumunod na kami sa kanila.

Nagsiupo ang mga bruhang mangkukulam sa sofa. Feel at home!

"Pinalayas ako ng Mommy ko," sabi ni Tracy sabay angat ng paper bag na dala niya.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon